Mikay's Pov Hanggang ngayon napapaisip ako. Bakit sila ang namatay? Si Nelson. Si Arnold. Leah at Yra. Bakit sila ang namatay? What I mean is, hindi naman halata na nakita nila ang picture kasi kung nakita nga nila ang cursed picture non, dapat nag re-react na sila sa mga bagay na pinag uusapan namin. Pero bakit hindi? Possible ba hindi talaga si Monica ang pumapatay? Possible ba na, walang kinalaman ang cursed picture sa nangyayari? "Mi. Okay ka lang?" Tanong ni Adam. Tumango naman ako. Ngayon na ang start ng foundation day kaya automatic naman na busy ang lahat. Nag babantay sila Nicole sa Horror booth at yung iba ay nag sasaya naman. "Di, tara doon tayo sa roller coaster ride." Tumango naman siya. Hinila ko na siya doon pero sobrang haba ng pila kaya naman sa iba nalang kami pumunta

