Jj's Pov
"Jj...." Nagulat ako nang may biglang humawak saakin
"MRS GRACE!!" Napasigaw nalang ako nang makita ko siya.
"Linisin niyo na ang lugar." Wala sa sarili niyang sabi. "At mag o-outdoor activities tayo." Yun lang at umalis na siya.
"Si Mrs Grace yon?" Tanong saakin ni Mikay. Tumango ako. Bakit ganun? Bakit parang wala lang sakanya ang nangyari? Bakit parang wala siyang pakielam?
"6:00 na pala ng gabi. Ngayon lang tayo mag o-outdoor activities. Baka sobrang delikado na sa labas." Singit na sabi ni Ramon. Napabuntong hininga ako. Bakit? Anong nangyari kay Mrs Grace? Bakit bigla nalang siyang naging ganun? Bakit bigla nalang siyang nawala? Saan siya nanggaling?
**
Nandito kami ngayon sa may cottage na tama lang ang laki para saaming lahat. Nasa harapan namin si Mrs Grace ngayon pero walang emotion akong nababasa sa mga mata niya. Sobrang cold at mysterious kung titignan mo siya. Parang hindi siya si Mrs Grace.
"Ang first outdoor activity natin ay sa woods." Simpleng sabi ni Mrs Grace. Dito sa lugar na ito sa dulong part ay may Woods. Tinatawag iyon na haunted woods dahil walang bumabalak na pumunta doon dahil tuwing gabi daw ay may mga creepy noises kang maririnig galing sa mga unknown persons, things, animals or what so every you call that thing.
Bago kami pumunta dito sa Bicol ay gumawa ako ng research about sa lugar na pupuntahan namin para naman alam ko ang pasikot sikot ng lugar. Habang nag re-research ako about dito ay nakita ko iyong haunted woods na iyon. Yun lang ang natatanging woods dito sa beach na ito kaya sure ako na dun kami mag a-activity.
"Anong gagawin natin sa woods? May mga flags akong tinago sa woods na iyon kahapon at kaninang umaga. I prepared everything at kailangan niyong mahanap ang flags na iyon. Ang flags ay may tatlong kulay. Bawat kulay ay may katumbas na puntos. Ang Yellow ay 1 point, ang red ay 3 points at ang black ay 5 points. Paramihan kayo ng puntos. Grupo grupo kayong sasabak sa nasabing activity." Nagsimula na si Mrs Grace na i-group kami into three at dahil 35 kami. May dalawang grupo na dapat 4 ang myembro kaya kami nalang iyon.
Kasama ko si Ramon, Nickie at si Christine. Hindi parin okay si Nickie at Christine pero wala silang magagawa dahil ayun ang pinili ni Mrs. Grace na groupings.
Hanggang ngayon napapaisip parin ako. Bakit ang daming bakit sa utak ko? Bakit masyadong maraming mysteryo ang Mendel? Bakit pakiramdam ko, may dapat kaming malaman?
Bakit parang.. Kailangan kong maniwala sa Curse?
--
Christine's Pov
Naglalakad kami ngayon dito sa woods. 10 minutes na kaming naglalakad pero wala parin kaming makitang flag. Malapit na din may 8:00 dahil bago kami magsimula ay marami pa kaming hinanda dahil sabi ni Mrs Grace ay maaari daw na dito kami matulog sa woods at kailangan naming mabuhay nang kami lang. Parang survival task.
"Wag tayong mag hihiwa-hiwalay pagsapit ng alas otso ng gabi." Seryosong sabi ni Jj kaya naman napatingin kami sakanya.
"Bakit?" Tanong ni Nicole sakanya. Hindi kami okay kaya hindi Nickie ang tawag ko sakanya.
"Hindi niyo ba alam na ang woods na ito ay tinawag na haunted woods?" Napakunot ang noo ko nang sinabi ni Jj iyon.
"Kung nananakot ka. Manahimik ka na lang." Sabi ni Nicole at nagsimula na ulit maglakad.
"Mamayang 8:00 ng gabi ay may mga unknown creatures na magpaparamdam dito Nickie. Nickie makinig ka sakin!!!" Sigaw ni Jj. Dahil malapit na talaga mag 8:00
"DIBA NGA HINDI TOTOO SI MONICA? BAKIT KA NANINIWALA SA GANYAN NGAYON?!" May galit sa tono ng pananalita ni Nicole. Alam ko naman na galit siya saakin pero sana naman maniwala siya sa sinasabi ni Jj.
"Wag mong idamay lahat ng tao dito, sa galit mo Nickie!" Sigaw ni Ramon sakanya. Napatigil si Nickie dahil don. Kanina pa kasi hindi umiimik si Ramon tapos ngayon, sinigawan niya pa si Nickie.
"Oh edi mag sama sama kayo." Sabi niya nang hindi tumitingin saamin. Dumiretso siya ng lakad. Napabuntong hininga ako.
"Bakit mo naman ginawa yun?" Tanong ni Jj kay Ramon. Hindi ko maintindihan. Ang dami naman kasing drama sa buhay eh.
**
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Nakakakuha na kami ng mga flags pero sobrang layo nitong lugar na ito dun sa cottage. Parang sinadya talaga na iligaw kami sa woods. Pero hindi na namin makita si Nickie.
"Nasan na ba kasi siya?" Stress na tanong ni Jj. Halos 10 minutes na ulit kaming naglalakad pero hindi namin siya makita.
Biglang lumakas ang hangin sa may woods. Yung tipong akala mo winter at nag s-snow.
"Brrr...-- Ang lamig." React ko. Kinuha ko yung jacket ko sa backpack na dala ko at sinuot ito. Ganun din sila Jj.
"Anong oras na?" Tanong ni Jj.
"7:50." Simpleng sagot ni Ramon. Nagkatinginan kami ni Jj.
Kailangan na naming mahanap si Nickie.
"Hanapin na natin siya." Sabi ni Jj at halos lakad, takbo na ang ginawa niya para lang mahanap namin si Nickie
Nagsimula na kaming makarinig ng mga ungol ng mga unknown creatures. Sobrang creepy. Kaya naman pala walang nag tatangka na pumasok sa woods na ito. Bakit dito kami pinag activity? Sinadya ba ang lahat ng ito?
"Ikaw may kasalanan nito eh." Sabi ni Jj kay Ramon.
"Pwede ba? Wala nang sisihan." Sabi ko. Ngayon pa sila nag sisihan kung kailan nawawala si Nickie.
Ngayon pa nag sisihan kung kailan hindi na namin maintidihan lahat.
Ngayon pa.
"AAAAHHHH!!!!!!!!!!!!!"
--
Mikay's Pov
Magkakasama kami ngayon nila Emeliz, Rocena at Jovelyn nang biglang humangin nang pagkalakas lakas. Yung tipo na sa sobrang lamig, hindi mo na gugustuhin maligo ng isang linggo.
"Geez. What was that wind. Ang lamig!" Sigaw ko. Kinuha ko ang jacket ko sa bag at sinuot iyon. Napaka creepy naman sa Woods na ito. Bakit kasi gabi pa kami pinagawan ng activity na ganito kung pwede namang umaga. Parang sinasadya talaga eh.
Lumipas pa ang mga minuto at may narinig kaming mga ungol. Creepy noises na madalas marinig sa mga horror movies.
"WHAT WAS THAT?!" Tanong ni Emeliz.
"Walang mananakot ha?!" Sigaw ni Jovelyn.
"ANG LAKAS NIYO AH." Sigaw ni Rocena. Halatang natatakot na sila. Ang creepy naman kasi eh.
"Anong oras na ba girl?" Tanong ni Emeliz.
"7:59 na girl." Sabi ko. Nang biglang.
"AAAHHHHH!!!!!!!!!!!"
~~
A/n: Hindi nanaman ako nakapag update ng ilang araw. Sobrang busy talaga eh. Ngayon lang ako nabakante sa mga assignments.
Hiii Guys.
May plano kasi kami dito sa story na ito. Gagawan namin siya ng movie directed by ourselves only so hindi pa kami masyadong professional kaya pwede siyang hindi masyadong malinaw ang quality or malinaw ang pagkakasalita pero sana.. Suportahan niyo yung movie. Series yung gagawin namin, chapter by chapter.
Sana kung gaano kayo katyaga na maghintay ng update nito, ganun din kayo katyaga na mag antay ng next video o next series. Pero hindi pa namin siya nasisimulan.
Ipu-publish ko nalang dito kung meron na siyang video/kung matutuloy yun.
Yun lang Iloveyou :*