I

1429 Words
Nicole's Pov I was walking along the corridor. Madilim na ang paligid dahil uwian na. Naiwan akong mag isa dahil may inayos pa ako sa student council. Habang naglalakad ako, may strange feeling ako. Biglang nanlamig ang paligid. Niyakap ko ang aking sarili hanggang sa may narinig akong ungol. Ungol na makakapag pataas ng balahibo mo. Ungol ng isang babaeng umiiyak.  "Tulong.. T-tulungan niyo ako." Binilisan ko ang takbo ko dahil na rin sa takot. Habang papalapit ako ng papalapit sa labasan, papalakas ng papalakas ang mga ungol at iyak. "Tulong.. T-tulungan niyo ako..." Muli nanaman siya humi-hingi ng tulong saakin hanggang sa mapatigil ako sa shower room ng mga swimmers. Naglakas loob akong pasukin ang shower room at napahinga ako ng malalim nang makita kong wala naman palang tao. Chineck ko ang bawat cubicle at napagtanto kong wala ngang tao rito. Dahan dahan kong sinara ang mata ko at tumalikod. Pag dilat ko... "Tulong.. T-tulungan mo ako." Napahawak ako sa bibig ko nang makita ko ang babae. Yung babae sa picture f*******: na sinasabing. This picture is cursed. "AAAAAAAAHHHH!!!!!!!!!!!!!!" Napabangon ako sa masamang panaginip. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Anong klaseng panaginip iyon? ** Pumasok ako ng kinakabahan. Ewan ko, hindi mawala sa isip ko yung dream ko. "Hoy Nicole!" Nag snap ng daliri niya si Ramon sa harap ko. Tinignan ko siya. "Bakit?" tanong ko. "Baliw ka ba? Praning? O ano? Kanina ka pa nakatulala." Hindi ko naman siya pinansin. Hindi ko kasi maintindihan. May connect ba ang picture sa panaginip ko? -- Jovie's Pov Kanina ko pa napapansin ang pananahimik ni Nicole. Mabilis na rin siyang kabahan ngayon. Ang bilis din niyang magulat. Kaibigan ko siya kaya alam kong may problema. Nilapitan ko siya. "Nicks?" Tumingin naman siya sakin at halatang nagulat. Oh diba! "Ikaw pala Jovie, bakit?" Nakangiti niyang tanong. "May problema ka ba?" Umiling iling naman siya. "May iniisip lang ako." Sabi niya. "Ano?" Tanong ko rito. "Yung napanaginipan ko Jovie." Halata sa mata niya ang takot kaya kinabahan na rin ako. Hinila ko siya palabas ng classroom dahil wala naman ang teacher naming si Ma'am Sabarillo. Siya yung teacher namin na sobrang busy kaya hindi na kami masyadong napupuntahan. Nakakaawa nga si Ma'am dahil halatang pagod siya. Dinala ko siya sa isang tagong lugar dito sa school. "Napanaginipan mo din?" Tanong ko sakanya. "Ang alin?" Tanong niya. "Ewan ko Nicole. Ang weird. Nag s-scroll ako sa f*******: ko kagabi at may nakita akong picture na cursed daw at pag hindi mo ito shinare within 9 weeks ay mamamatay ka." Tumingin saakin ng seryoso si Nicole. "Shinare mo?" Tanong niya. Umiling ako. "Hindi ko naman pinaniniwalaan ang mga bagay na ganyan kaya hindi ko shinare. Pero napanaginipan ko yung babae sa cursed picture." Nanlaki ang mata ni Nicole. "Napanaginipan ko din ang babae sa cursed picture, Jovie." Sabi niya saakin. "So Anong chika niyo at napanaginipan niyong pareho ang babae sa cursed picture?" Nagulat kami pareho nang biglang sumulpot si Christine at sila Mikay sa kung saan. "Naniniwala ba kayo sa curse?" Tanong ni Mikay. Si Mickaella Marie Sebastian. The queen of Section Mendel. "Hindi. Kaya nga hindi ko shinare yung picture." Sagot ni Nicole ng mahinahon.  "So far, wala pa naman akong nakikitang cursed picture sa newsfeed ko." Sabi ni Christine. "Pero kung hindi kayo naniniwala sa Curse, anong ine-echos niyo dito?" Tanong ni Jules. Jules Atun. Isa sa mga friends namin. Sana nga mali. Sana nga mali ang hinala namin ni Nicole. Sana walang connect ang Picture sa panaginip namin. -- Christine's Pov I was scrolling on my f*******:'s newsfeed. Sa totoo lang, hindi ko alam kung maniniwala ba ako or what sa sinasabi nila. I don't believe in ghosts. I don't believe in curses! I don't believe in every scary things. Tinatakot lang nila tayo at nagpapadala naman tayo. Mga walang kwenta. Nag scroll down pa ako. This picture is cursed. If you don't share it within 9 weeks,  Eto ba ang sinasabi nila? Sus, hindi naman nakakatakot yung babae. Hindi ko shinare ang picture. What for? Pang pa-pangit lang yun sa timeline ko. Biglang nag pop up ang message. Mickaella Marie Sebastian send a photo Yung screenshot ng picture na curse. Christine Adolfo Shinare mo? Mickaella Marie Sebastian Hindi. Christine Adolfo Hindi ka din naniniwala? Mickaella Marie Sebastian What for? Para takutin ko ang sarili ko? No way! Ghosts are not real! SO NOT REAL. I told you. Ghosts are not real. Nalikha lang sila para takutin tayong mga tao pero hindi naman talaga sila totoo. Nagpaalam na ako kay Mikay at pinatay ko na ang laptop ko. Matutulog na ako. ** Kinabukasan, ginawa ko ang daily routine ko. At Pumasok ako sa school. Gabing gabi na nang makauwi ako. Kasama ko naman sila Nicole. "Bhe! Wait for me, naiihi lang ako." Sabi ko sakanila. Tumango naman sila kaya naman dumiretso na ako sa comfort room. Dumiretso ako sa gitnang cubicle. Umiihi ako nang biglang namatay bukas ang ilaw. "Ano ba naman yan! Binabayaran ng maayos ang school na ito pero hindi naman ginagawa ng maayos ang trabaho." Sabi ko hanggang sa makarinig akong sumara na pinto. Agad agad akong lumabas ng cubicle ng matapos akong umihi. Nakasara yung pinto. Pupunta na sana ako dun pero nakarinig ako ng iyak. "Tulong.. T-tulungan niyo ako.." Napalingon ako sa likod ko at pinakiramdaman ang tunog. Lumamig ang paligid. "Sinong nandyan?" Tanong ko. "Tulong.. T-tulungan niyo ako.." Napagtanto ko na sa dulong cubicle pala nanggagaling ang tunog. Pumunta ako sa dulong cubicle. Binuksan ko ito ng dahan dahan. Nakita ko ang babaeng nakaupo at nakayuko. Nakauniform din siya katulad ko. "Miss? Anong nangyari?" Tanong ko sakanya. "Tulong.. Tulungan mo ako.." Patuloy niyang sabi. Umupo ako sa harapan niya. "Nandito na ako Miss. Tutulungan kita." Hinawak ko ang balikat niya. Bigla siyang tumingin saakin. Napatayo ako. "AAAHH!!!!!!!!!" Yung babae sa cursed picture!! Tumakbo ako palabas ng CR pero hindi ko mabuksan ang pinto "Sh*t this!!!! Open the door!!!!!" Sigaw ko. Muli akong tumingin sa pinakadulong cubicle. Nakita ko nanaman ang babae. Palakad papunta saakin. "Sabi mo.. Tutulungan mo ako.." Sabi niya. Patuloy kong sinusubukang buksan ang pinto. "STAY AWAY FROM ME!!!!!" Sigaw ko. Naiiyak na ako. Bago pa siya makalapit saakin ay nabuksan ko na ang pinto. Pero pag bukas ko.. "AAAAAAAHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!" "AAAAAHHHHHH!!!!!!!!" "Christine!!!" Napabangon ako dahil sa tapik ni Nicole saakin. Ginala ko ang tingin ko. Nasa.. Nasa classroom ako. "N-nasan na yung babae?!" Tanong ko. "Babae? Sinong babae?" Tanong ni Mikay. "Yung Babae sa CR!!!!!!" Sigaw ko sakanila. "Tine! Your asleep for the whole math class! Sinong babae ang sinasabi mo?" Jov asked me out. "Inignore mo yung picture?" Tanong ni Nicole. Tinignan ko si Mikay. "WAIT!!! YUNG BABAE NASAAN?!" Sigaw ko sakanila. "WALANG BABAE CHRISTINE!!!!!! INIGNORE MO YUNG PICTURE?!" Galit na tanong ni Nicole. "I--inignore ko." Napapalo naman ng mesa ko si Jules. "bakit mo inignore?!" Tanong ni Ramon saakin. "Teka teka.. Anong picture? Anong inignore?" Tanong ni Emeliz saakin. Si Emeliz De Guzman. Isa siya sa mga tropa namin. "Tine.. Bakit mo inignore?" Tanong ni Jov. Tumingin ako kay Mikay. "Inignore ko kasi.. h-hindi naman ako naniniwala don at tsaka.. hindi lang naman ako ang nag ignore nun ha?? Inignore din ni Mikay!" Sabi ko. Tumingin sila kay Mikay. "Inignore mo???" Stress na tanong ni Jov. "Oo, hindi naman kasi ako naniniwala sa mga curse curse na ganyan eh." Sabi ni Mikay. "Have you dreamt about anything?" Umiling si Mikay. "Wait-- so ano ngang inignore?" Tanong ulit ni Emeliz. "Yung picture." Sagot ni Ramon. "Anong picture?" Tanong muli ni Emeliz. "Yung Curse picture ng babae sa facebook." Sagot naman ni Jules. "Shinare ko." Sabi ni Emeliz. Tumingin kaming lahat sakanya. "Shinare mo? Anong nangyari?" Tanong ni Nicole. "Ang sabi kasi sa picture. Pag hindi mo daw shinare within 9 weeks, mamamatay ka pero pag shinare mo, may good luck." Sabi ni Emeliz. "So, ano ngang nangyari?" Tanong ni Mikay. "May Good luck naman akong natanggap. Dahil umuwi yung mommy ko sa bahay tapos nagkaron ng trabaho yung mga kuya ko." Hindi ako makapag salita. "Naniniwala ka sa Curse?" Tanong ni Mikay kay Emeliz. Tumango si Emeliz. "Hindi ako naniniwala sa curse. Pero mukhang may way sila para paniwalain tayo dito." Sabi ni Nicole. Hindi ako naniniwala sa curse at ang nangyari saakin ay ISANG MALAKING PANAGINIP lang. Hindi nito mababago pa ang paniniwala ko sa curse! ~~ A/n: First time ko to!!!! Kahit ako kinilabutan sa sarili kong story hahaha. Hii Sa mga nandito. Hi din sa wala pa! Abangan niyo yung names niyo sa next chapters!! :*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD