Jayve's Pov
Nandito na kami ngayon sa Bicol kung saan magaganap ang retreat s***h fieldtrip namin. Excited na ako. Kasama ko kasi ngayon ang tropa ko at syempre.. Hindi naman bago sa mga teenager na katulad ko ang magka-crush hindi ba? Kasama ko din siya ngayon eh.
"Ano kayang nangyayari sa Mendel, no?" Tanong ni Yvonne.
"Hay nako! Siguro kina-karma na sila sa mga ginagawa nila sa mga buhay nila." Inis na sabi ni Micole.
"Siguro nga." Pag agree naman ni Rishielene.
Siya si Rishielene Cruz.
"Naniniwala ba kayo sa mga sinasabi nila? Kasi ako hindi eh." Sabi ni Micole.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi kasi syempre, hindi ko pa naman nararanasan.
"Eh kasi, hindi naman talaga kapani-paniwala." Sabi ni Catherine. Siya nga pala yung sinasabi kong crush ko. At syempre alam niya na yon.
Sa panahon ngayon, hindi na uso ang salitang 'secret' pag meron kang madadaldal na kaibigan na todo sigaw pag nandyan ang crush mo. Sa katunayan, sila nga ang dahilan kung bakit at paano nalalaman ng crush mo na may gusto ka sakanya.
"Hay nako! Hayaan niyo na nga sila! Mga wala lang silang magawa sa mga buhay nila." Singit naman ni Agile. Si Agile Reyes.
Kami kami lang naman ang madalas na magkakasama dahil nakakahiya na minsan sumama sa ibang Mendel.
Sa totoo lang, medyo nakaka-op din kasi kahit na sabihin mo na wine-welcome ka nila sa tropa nila. Kahit na ganun, hindi mo maiiwasan na ma-op kasi sila-sila din naman ang magkakaintindihan.
"Ay basta sama sama sa kwarto ah!" Paalala ni Yvonne.
"Oo naman, kaysa naman humiwalay pa edi na-OP lang tayo." Sabi ni Cath.
Sumunod na naman kami kay Ma'am Legada.
**
"Okay, sige. Malalaki na kayo kaya naman alam niyo na kung sino sino ang mag kakasama sa iisang kwarto. Okay?" Tumango naman kami.
"Ma'am pwede mo magsama sa ibang section?" Tanong ni Christine.
"Oo naman. Kayo ang bahala kung saan kayo komportable." Napa-yes naman sila. Syempre dahil mako-kompleto ang tropa nila.
Oh well. Kumpleto din naman ang tropa ko.
"Dun tayo sa gitnang kwarto!!!" Sigaw ni Agile kaya naman pumunta na kami dun kaso nagkataon na dun din papunta sila ate Nickie.
"Ay-- dito kayo? Oh sige sa iba nalang kami." Sabi niya at ngumiti.
Mabait siya. Minsan b*tch pero madalas talaga ang minsan.
Pumasok na kami sa kwarto namin. Malaki siya at talagang kasyang kasya kayong lahat. Para siyang pang mayaman na kwarto.
Nagpahinga muna kami sandali dahil sobrang tiring talaga nitong araw na ito para saamin.
Hinayaan naman kami ni Ma'am Legada na magpahinga.
dalawang king size bed ang nandito sa kwarto kaya sure na sure na kakasya kaming lahat.
**
"Guys! Kakain na daw!!!" Nagising ako dahil sa sigaw ni Ate Jovelyn. Ang lakas lakas ng boses nila.
Tumingin ako sa mga kasama ko na nagising lang din dahil sa sigaw ni Ate Jovelyn.
"Susunod na kami." Sigaw ni Micole.
Nag inat inat muna kami bago kami bumaba.
Pagbaba namin...
"AAAAHHHH!!!!!!!!!!" Lahat kami napatingin kay Emeliz dahil tumili siya.
Lahat kami napatakbo sa kwarto niya..
Naabutan namin siya na...
Nakatayo sa kama.
"HOY ANONG TINITILI TILI MO DYAN?" Sigaw ni Mikay. Tumingin kami kay Emeliz.
"GIRL! MAY IPIS THERE OH!!!!" Napahawak naman kami sa noo. Pumasok si Abby at tinanggal ang sapatos niya.
Tumingin muna siya kay Emeliz.
"WAAAAHHHH!!!!!!!" Sigaw niya at pinag papapalo ang ipis ng sapatos. Yung tipong t*****e na t*****e na yung ipis at nagkalasog lasog na ang katawan nito.
"Kaloka ka girl! Akala ko kung ano na nangyari sayo!" Sigaw ni Rocena.
Oo nga, kung maka react naman kasi siya.
Bumalik na kami sa dining area. Nag hihintay doon si Mrs. Grace at si Mrs. Eva.
"Oh, eh anong tili iyon?" Tanong ni Mrs Eva.
"Nakakita lang po ng ipis." Simpleng sagot ni Yvonne.
"Ay jusko po. Nakakita lang ng ipis akala mo nakita na si Monica." Napatingin kaming lahat sa sinabi ni Mrs. Eva.
"Sino pong Monica?" Tanong ni Jj at tumingin kay Ate Nicole.
"Monica? Yung multo daw na gumagala dito sabi nung care taker." Sabi ni Mrs Grace. Mukhang nag bibiro lang sila pero halata sakanila na seryoso.
"M-multo po?" Kinakabahang tanong ni Jules.
"Oo, nag gagala daw iyon sa f*******: eh." Cool na cool lang si Mrs Grace habang sinasabi niya. Nag s-start nang mag pump ng mabilis ang puso ko.
Eto na nga ba ang sinasabi ko eh.
Curse? Hindi ako naniniwala sa Curse pero bakit lahat sila ay naniniwala?
--
Catherine's Pov
Lahat kami nakatingin ng seryoso kay Mrs Eva. Hinihintay ang sagot niya.
"Oo, nag gagala daw iyon sa f*******: eh." Sabi niya na parang kalmadong kalmado at wala siyang pakielam kay Monica.
"B-bakit daw po?" Tanong ni Christine.
"Aba ewan ko! Next time kakausapin ko siya kung gusto niyo." Sagot naman nito.
Tumingin kami kay Mrs Grace na natatawa.
"Nako! Binibiro lang kayo niyan ni Ma'am niyo." Napa-poker face naman kami at parang gusto na naming isubsob si Mrs Eva dahil tinakot niya kami pero syempre, hindi namin gagawin iyon dahil ginagalang parin naman namin siya.
"Kumain nalang kayo.. Mabubusog pa kayo." Inis na sabi ni Ate Nickie kaya naman nag tawanan kami.
Coincidence ba ang nangyaring Monica din ang sinabi ni Mrs. Eva? Coincidence ba na sinabi niyang sa f*******: din gumagala yung Monica niya?
Hindi ako naniniwala sa mga kwento ng mga classmates namin pero bakit ganun? Coincidence ba ang lahat?
Oh baka naman, may alam si Mrs Eva sa picture na kumakalat sa f*******:?
"Hoy Catherine! Alam ko yang mga tulala na yan! Wag mong sabihin na naniniwala ka na din?" Tumingin ako kay Agile.
"Hindi nga ba totoo iyon Agile?" Seryoso kong tanong sakanya. Napailing iling siya.
"Ewan ko sayo Cath! Ewan ko sayo." Natatawa pa niyang sabi iyon at iniinis pa ako.
"STRESS!" Sigaw ko. Lumapit naman saakin si Jayve at nag smile. Ngumiti din naman ako pabalik sakanya.
Alam ko na may gusto siya saakin. Sinabi niya iyon at si Jayve yung tipo ng tao na hindi mahirap magustuhan. Aish! Wag muna tayo mag lablablab dito dahil nagugutom na ako.
**
Natapos kaming kumain. Bumalik kami agad sa kwarto.
"Ayaw niyo bang gumala gala muna? Ang ganda kasi nung beach eh." Yaya ni Micole.
Oo, sa beach kami dito sa bicol. Ewan ko ba pero refreshing naman dito.
"Gabi na eh. Bukas nalang siguro." Sabi naman ni Yvonne.
"Ops! Bago matulog. Tayo ay mag sitayo at magdasal ng taimtim." Napatingin kami nang pumasok si Francis Milangco. Ang brother ng Mendel. Siya ang laging nagpapaalala na dapat magdasal.
"Sa ngalan ng Ama, Anak, Espiritu, Santo. Amen." Nag start na siyang mag dasal at kami naman ay nakikinig lamang sakanya.
"Maraming salamat po sa araw na ito ay nawa'y gabayan niyo kami sa aming pagtulog at wag na wag niyo pong hahayaan ang masamang Espiritu na guluhin kami sa aming landas na tatahakin. Amen." Nag sign of the cross na kami at humiga.
Natulog.
Curse? Hindi ako naniniwala sa curse pero paano nga kaya kung totoo ang curse?
~~
A/n: HAPPY NEW YEAR GUYS! ILOVEYOU! Hindi ako nakapag update kahapon dahil nasa party ako.
Eto na bumabawi na nga ako eh.
Dedicated to: Ellah Centeno and Alex Amores. Hi Guys. Mahal ko kayo mwa :*
Chill muna tayo sa takutan. Sa Malditahan muna us ^_^