3rd Person's Pov "On the other hand, ayoko namang patayin kayo girls so uunahin ko nalang itong mga boys natin." Sabi ng kanilang kamag aral. Hindi na nila alam ang gagawin nila. Pati ang mga lalaki ay natatakot na din. "Gusto pa namin munang masarapan bago kayo mamatay! Wag kayong mag alala, mararamdaman niyo din ang naramdaman ni Monica." Puro tunog ng hagulgol ang maririnig mo sa lugar na iyon. Puro takot ang nararamdaman ng mga ito. "Pinalaki ako ng mga magulang kong may tiwala sa Diyos kaya alam kong ililigtas niya kami mula sayo!" Buong tapang na hinarap ni Nicole ang dalawang kamag aral. Biglang lumamig ang paligid. Ang sumunod na nangyari at nakita nalang nilang takot na takot sila Julius dahil sa nakita. "M--Monica?" Nanginginig na sabi ni Lorenz. Tumawa ng malakas si Monica.

