Adam's Pov Nagising ako na nasa isang ospital. Luminga ako sa paligid at nakita ko si Nicole na nakahiga sa hospital bed. Anong nangyari? Wala akong maalala. "Uhh-- sakit ng ulo ko." Tumingin ako kay Jj na nag salita. Nagising na din ang iba. Nakatingin lang ako sakanila. "Anong nangyari?" Tanong ko. "Uhh-- Bakit tayo nandito? Teka-- diba...--" Biglang bumukas ang pinto at bumungad saamin si Mrs Grace na ang lawak ng ngiti. "Mrs Grace?!" Tumingin siya saamin at ngumiti. Lumapit siya kay Nicole at umupo sa gilid ng hospital bed. Hinawi niya ang buhok ni Nicole. "Gusto ko lang ipaalala sainyo na konting oras nalang ang natitira sainyo." Tumingin kami sakanya at ganun din siya saamin. Ngumiti siya. "Wag kayong mag alala, walang sa katotohanan ang mga nakikita niyo ngayon. Pero wag niy

