Alas singco pa lang ay gising na ako dahil ito ang unang araw namin ni Primo ngayon sa school at kahit na may katulong na kami ngayon sa bahay ay mas gusto kong ako ang maghanda ng pagkain ng anak ko. Sarilli ko muna ang inasikaso ko bago si Primo para mapabilis kaming dalawa kahit na alas otso pa naman ang mga pasok namin.
Minuto ang lumipas ay tapos na rin akong gumayak kaya sunod ko ng tinungo ang kwarto ni Primo. Mahimbing pa rin ang tulog nito napuyat kasi ito kagabi dahil bumisita rito sina Mommy, Daddy at Kuya Gavin. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at ginising ko ito sa pamamagitan ng pagyuyog na kanyang kanang balikat at hindi nagtagal ay nagising na rin siya.
"Good morning, anak! Let's get ready na para hindi tayo ma late sa school," masiglang bati ko sa anak sabay halik sa pisngi nito.
"Okay po, Mama," tugon naman agad niya sa akin at kaagad ko na itong pinaliguan sa banyo.
Pagkatapos ko itong ayusan ay lumabas na rin agad kami sa kanyang kwarto at bumaba upang kumain na ng almusal.
"Primo, behave ka mamaya sa klase niyo ha?" bilin ko kay Primo habang nilalagyan ko ng pagkain ang plato niya.
"Okay po, Ma at gagalingan ko rin po," tugon naman agad niya sa akin.
"Very good, son." Ginulo ko pa ang buhok nito at kumain na rin kaming dalawa.
Pagkatapos naming kumain ay kaagad na rin kaming umalis dahil dadaanan pa namin si Candice convenience store na malapit sa kanila dahil nasira ang sarilli nitong kotse.
Minuto ang lumipas ay narating na namin ang convenience store at nakita ko agad si Candice na nakatayo sa labas kaya bumusina ako. Kaagad naman itong napalingon sa pwesto namin at ilang hakbang lang ay nakalapit na rin siya sa pwesto ng kotse saka pumasok.
"Hi, Ninang Candice!" bati agad ni Primo sa kanya.
"Hello, nak, good morning!" ganting bati rin niya sa inaanak.
"Are you excited?" muling tanong ni Candice kay Primo, at binuhay ko na rin ang makina ng kotse saka na namin tinungo ang Prime School.
"Yes po, Ninang!" tugon naman ni Primo.
"That's nice, Primo pero dapat good boy ka lang ha?" paalala pa ni Candice sa anak ko.
"I will, Ninang para may bike po ako kay Mama." Napangiti na lamang ako sa sinabi ni Primo.
Excited na talaga siyang magkaroon ng bike kaya nababanggit na rin niya sa Ninang Candice niya.
"Wow! Kaya dapat very good at good boy ka talaga palagi ha?" turan pa ni Candice.
Marami pa silang napagkwentuhan magkasundo kasi talaga silang dalawa dahil parehas silang pala kwento at natutuwa naman ako roon dahil napakabait at napakabuti ni Candice kay Primo.
Minuto ang lumipas ay nakarating na kami sa Prime pinark ko lang sandali ang kotse ko pagkatapos ay nagsibaba na rin agad kami.
"Sha, sa Principal's office muna tayo ipapakilala ka lang saglit ni Mr. Doce sa mga kasamahan nating teachers," wika ni Candice habang naglalakad na kaming tatlo.
"Sige ihahatid ko lang muna 'to si Primo sa class room niya," tugon ko.
"Dalhin mo na lang muna siya baka kasi naghihintay na sila roon, e."
Dinala ko na lang nga muna si Primo sa Principal's office at pagpasok namin sa loob ay may mga iilang teachers na ngang nakatayo malapit sa pintuan pati si Mr. Doce na siyang principal ng school.
"Good morning, Ms Lagdameo!" bati sa akin ni Mr. Doce at lumapit pa ito sa amin ni Primo.
"Good morning din po, Mr. Doce!" ganting bati ko rin sa kanya.
"Good morning din po," bati rin ni Primo sa kanya.
"Good morning, little boy," nakangiting bati rin ni Mr. Doce sa anak ko.
"Anak mo ba siya, Ms Lagdameo?" tanong niya agad sa akin.
"Yes po, Sir," tugon ko.
"Nice, buti naman at dito mo rin siya pinasok," saad pa niya.
"Opo para ma bantayan ko pa rin po siya kahit papaano," tugon ko naman.
Pagkuwa'y pinakilala niya na rin ako sa ibang mga teachers maging si Primo ay pinakilala niya rin.
"Ikinagagalak ko kayong makilalang lahat," nakangiting saad ko sa kanila.
"Kami rin, Ms Lagdameo and if you need anything and help don't hesitate to ask us, okay?"
Nakakatuwa dahil ang init ng pagtanggap nila sa akin at ang babait din sa palagay ko ay makakasundo ko rin silang lahat agad.
"Thank you, Mr. Doce," pasalamat ko naman sa guro.
"So, paano si Ms. Javier na ang bahala sa'yo ha? Dahil may trabaho pa ako. Teachers you may go now to your perspective classroom," bilin pa niya at inutusan na rin nito ang mga guro na tungohin na ang kani-kanilang mga silid aralan.
Bago ko tinungo ang mismong silid aralan ko ay hinatid muna namin ni Candice si Primo sa silid aralan nito.
"Primo, anak be a good boy okay?" bilin ko sa anak ng makarating na kami sa classroom nito.
Wala pa ang teacher nila at konti lang din ang mga bata sa loob ng classroom hindi ko alam kung konti lang ba talaga sila o, baka hindi pa dumarating ang ibang estudyante.
"Okay po, Mama," tugon naman niya.
"You go inside na at baka dumating na si teacher mo," utos ko at bago ito sumunod ay humalik muna ito sa amin ng Ninang Candice niya.
Hinintay ko pa muna itong makaupo sa kanyang upuan bago kami tuluyang umalis ni Candice.
"Des, pumasok ka na sa classroom mo alam ko na rin naman kung nasaan ang classroom ko e," wika ko kaya habang tinatahak namin ang daan patungo sa classroom kung saan ako magtuturo.
"Hatid na kita isang daan lang din naman tayo e," tugon niya, at nagpatuloy na lamang kami sa aming paglalakad.
Bago ako tuluyang pumasok sa classroom ay nagpaalam muna ako kay Candice at tumuloy na rin ito sa kanyang kwarto.
"Good morning, class!" magiting kong bati sa aking mga estudyante.
Grade two ang advisory ko kaya expected ng makukulit ang mga ito, 'di bale sanay na sanay na rin naman ako rito at mahaba rin ang pasensiya ko pagdating sa mga bata.
"Good morning, Teacher!" sabay-sabay naman nilang bati sa akin.
Kumuha ako ng chalk at sinulat sa pisara ang aking buong pangalan pagkatapos ay binasa ko rin ito sa kanilang harapan.
Pagkuwa'y sinimulan ko na rin ang klase at medyo may kakulitan nga ang mga ito dahil unang araw pa lang ay muntikan ng may mag-away dahil lang sa papel. Mga bata talaga.
Dumaan pa ang ilang sa wakas ay tapos na rin ang klase ko pagkaalis ng mga bata ay naglinis pa ako ng silid dahil ang daming kalat na papel at kung anu-ano pa. Pagkatapos kong magwalis at mag-ayos ng mga upuan ay mesa ko naman ang inayos ko.
"Aisha!" humahangos na tawag sa akin ni Candice.
Kaagad namang kumunot ang noo ko dahil sa pagmumukha nitong hindi maipinta sa sobrang pag-aalala at kaba.
"Oh bakit?" tanong ko habang kunot ang noo at medyo kabado ba rin ako.
"S-si Primo na aksidente."
Kaagad kong nabitawan ang hawak kong class record at tumakbo palabas ng classroom.
"Nasaan siya?" kinakabahan kong tanong habang tumatakbo at ganun na rin si Candice.
"Nasa hospital na siya may dumala raw kasing lalaki sa kanya roon, binalitaan lang ako ng pinsan kong nurse," tugon niya ngunit hindi ko na ito sinagot dahil pagkalabas ko ng paaralan ay pumara agad ako ng taxi.
"Manong, sa Lazaro hospital po," bulalas ni Candice ng Lugar sa driver.
"Pakibilisan lang po, Manong," utos ko naman sa driver at kaagad na rin nitong pinaharurot ang kanyang taxi patungo sa Lazaro Hospital.
Pagdating namin ay kaagad na akong bumaba ng taxi at pumasok sa loob ng emergency room. Kabadong-kabado na ako dahil anak ko ang napahamak.
"Nurse, nasaan ang patient na si Primo Juliano?" tanong ko sa agad sa information.
"Kaanu-ano po ba kayo ng patient?" tanong pa ng lalaking nurse.
"Nanay niya po ako," tugon ko.
"Nasa bed six po kasama ang Papa niya," Kaagad namang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ng nurse ngunit sa halip na magtanong ay tinungo ko na lang ang kama ni Primo.
Nang makita ko si Primo ay nakahiga ito sa kama at tulog na tulog kahit papaano ay nakahinga naman ako ng maluwag dahil wala akong nakitang aparatus na nakakabit sa katawan niya.
"Excuse me, Ma'am kayo po ba ang mother ni Baby?" tanong sa akin ng babaeng nurse, hindi ko man lang namalayang may kasama pala ang anak ko.
"Y-yes anong nangyari sa anak ko?" tanong ko nauutal ko pang boses dahil hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko.
"Nagkaroon po ng close fracture ang paa ng bata dahil naipit po ito ng bisikleta but you don't have to worry po dahil gagaling naman po ito, " paliwanag sa akin ng nurse.
"Pero gaano ka tagal?" tanong naman ngayon ni Candice.
"Probably six to eight weeks po," tugon ng nurse.
"E, b-bakit tulog ang anak ko nahimatay ba siya nahilo o, ano?" tarantang tanong ko pa.
"Don't worry, Ma'am nakatulog lang po ang anak ninyo kakaiyak dahil sa sobrang sakit."
"Actually Papa naman po niya ang nagdala sa kanya rito lumabas lang po iyon saglit para bumili ng gamot ni Baby."
Magkakasunod niyang saad at nagtataka na talaga ako sa mga sinabi nila na ama raw ni Primo ang kasama niya.
"Sigurado ka bang, Papa iyon ng anak ko?" naguguluhan kong tanong sa nurse.
"Yes po, Ma'am iyan po ang sabi sa amin ng lalaki tsaka hindi ho ba kayo tinawagan ng asawa ninyo?" tanong pa niya sa akin.
"Jusmiyo! Kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi mo, nurse," sabat naman ni Candice sa aming usapan.
"Totoo po ang sinasabi ko, Ma'am," giit pang tugon ng nurse sa kaibigan ko.
"Nurse—" naputol ang kung anumang dapat kong sasabihin sa nurse ng bigla na lang itong nagpaalam sa amin dahil pangalan niya ang kasalukuyang tinatawag ng speaker.
Napabuntong hininga na lamang ako at lumapit sa tulog kong anak nakita kong may bandage ang kaliwang paa niya. Kahit na minor injury lang ang natamo niya ay nag-aalala pa rin ako.
Pero ang mas inalala ko ay kung sinong lalaki ang dumala rito sa anak ko at bakit niya sinabi sa mga nurses dito na siya ang ama ni Primo.
Ang lakas naman yata ng loob nu'n, ni hindi pa nga niya alam kung buhay o, patay na ang ama ng anak ko, e. Humanda talaga ang kung sinumang poncho pilatong 'yon pagbalik niya rito.