Beatrice Lim Umasa akong susunduin nga ni Flores pero walang dumating ngayon. Kaya pinagpasyahan ko na pumasok nalang. Wala kaming klase sakanya ngayon dahil iba ang schedule ng exam namin. Kailangan ko siyang makausap tungkol dito pero hayaan ko munang tapusin niya ung lahat ng klase niya. Hindi ako makapag focus dito sa exam ko dahil gang ngayon naiisip ko padin ung ginawa ng hayop na Von na yon. Pagsisisihan niyang niloko niya ang taong mahal ko. Halos madurog ako nung mga panahon na nagalit sa akin si Flores nang hindi manlang ako pinag papaliwanag nung binubog namin ung jowa niya, samantalang siya niloloko lang pala ito. s**t kang Von ka! " Hoy, pumirmes kanga diyan Bea. Para kang kiti kiti diyan. Ano nanaman bang problema mo? Turuan mo nalang kami dito! " utos sakin ni Zayn.

