Beatrice Lim " No. Walang aalis. " ma-awtoridad na utos ng tatay ko. Akmang tatayo na sana ako para tuluyang takbuhan itong nakakatakot na mukha niya pero di ko alam sa sarili ko kung bakit tila nasindak ako sa utos niya. " Ahmmm. Daddy, kanina kapa andito? " tanong ko. " Actually yes. Kanina pa kita nakikitang nakikipag flirt sa teacher mo. And Miss Flores, can you tell me about yourself if you don't mind? " Takte! Hindi ko alam kung ano nararamdaman ko ngayon, natatakot ako sa pwedeng mangyari. Di ko alam kung natatae ako or ano. Ibig ko nalang himatayin dahil sa tensyon ngayon sa pagitan naming tatlo. Samantalang itong Flores na to, walang ka emosyon emosyon na nakatingin sa tatay ko. Sabagay, sanay naman siya sa ganoong emosyon na pinapakita. Hindi ba siya nasisindak. Saka anong

