Chapter 17

1071 Words
Beatrice Lim Kung tutuusin wala naman akong daoat ikagalit sa ginawang yon ng boyfriend niya, dapat nga diba ay matuwa pa ako dahil nakikita ko iyon ng nasasaktan. Pero hindi, hindi ko alam sa sarili ko kung bakit tong paa ko kusang lumakad papunta doon sa mesa nila para ilayo siya sa pagkakapahiya. Pero ang ending sinabihan niya ako ng tuta. Aaminin ko nasaktan ako sa sinabi niyang iyon, kaya mas pinili kong hindi magparamdam sakaniya ng ilang araw. Honestly hindi ko naman siya sinundan ng mga araw na yon, kasama ko si Gladwin. Ang first love ko, ang taong naging dahilan kung bakit natakot ako sa commitment dahil sa rejection na binigay niya sa akin dahil mas mai-sasave daw namin ang friendship namin over being lover. Kakauwi lang niya ng bansa. Napagpasya nitong makipagkita sa akin dahil miss na miss na daw niya ako. Actually, hanggang ngayon hindi pa ako maka move on sa pag reject niya sa akin before. Pero hindi ko siya masisisi dahil may point din naman siya. Kahit na hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa akin ay okay na sa akin. Ang mahalaga okay kami ngayon kahit di pa ako nakakamoved on. Kasi tanging siya lang ung bagay na hindi ko magawang makuha para mahalin din ako kagaya ng pagmamahal ko sakanya dati. Back to story, hindi ko alam na magkasama sila ng boyfriend niya sa restaurant kung nasaan andun din kami ni Gladwin. Nagulat nalang ako ng may sumigaw kaya doon natuon ang atensyon ko sa mesang yon. Laking gulat ko ng murahin ni Von si Flores. Kitang kita ko sa mukha ni Flores ang pagkabigla dahil sa sigaw na yon, kitang kita ko din kung paano ito maiyak iyak dahil sa hiyang ginawa sakanya ng punyetang boyfriend niya. Bahagyang napayukom ang kamao ko dahil dapat matuwa ako sa pagkakataong iyon dahil un naman talaga ang gusto ko, ang madurog siya. Pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit biglang lumabot ang puso ko sakanya. Lumapit ako sakanila at nakipaghilaan ako, buong akala ko ay magpapasalamat siya sa akin. Pero nagkamali ako, bagkus sinabihan niya ako ng parang tuta na sunod ng sunod sakanya. Duon palang natapakan na ang ego ko. Dun ko napagtanto na di lahat ng gusto ko ay makukuha ko, for the second time in my life may nangbalewala sa akin. Nasaktan lang naman ako na dapat ay matuwa dahil napahiya siya sa harap ng ibang tao. Ilang araw din ako di nangulit sakanya, lihim ko nalang siyang tinitignan. Kung minsan ay lagi siyang nakatingin sa mesa niya. Alam niya kasing daily routine ko na ang pagbibigay sakanya ng kape. Pero sa pagkakataong ito, hindi ko na ginagawa iyon. Kinasusuklaman ko ang sarili ko dahil hindi ko alam mukha na pala akong kawawa at nagiging tuta kakasunod sakanya para lang makaganti sa ginawa niya at ako na pala ang nahuhulog sa sarili kong bitag. Maraming tanong sa akin ung mga kaibigan ko kung bakit tinigilan ko na si Flores, sinabi ko na sakanila na hahayaan ko na siya dahil hindi ko na alam nararamdaman ko. Ang sagot nila sa akin, nakarma ako sa sarili kong ginagawa. Ang gusto ko lang naman ay mahulog ito sa akin at madurog ko pero hindi ganoon ang nangyari. Matagal na daw nila akong napapansin na iba na ang nagiging galaw ko pag andiyan si Flores ngunit sinusubaybayan lang daw nila ako. Tapos tinanong nila ako kung ano ang plano ko. Sabi ko sakanila ay kalimutan na nila ung planong yon dahil alam ko sa sarili kong straight ako, hindi pwede na mahulog ako sa professor ko. Mali yon. Minsan nga ay nakita ko ito sa parking lot napansin ko itong nakatingin sa akin pero hindi ko nalang siya pinansin, dun palang tila nadudurog na ang puso ko. Namimiss ko na siyang kulitin, gustong gusto kong nakikita kung paano siya nasstress sa akin pero di ko namamalayan unti unti na palang lumalambot ang puso ko kabaliktadan ng emosyon na pinakikita niya sa akin. Kaya pagkaalis ko na yun sa parking lot mabilis kong kinontak ung nanay niya para doon na ako mag dinner. Dahil hindi ko na matiis ung sarili ko. Kinakabahan pa ako bago pumunta sakanila pero kailangan ko lakasan ang loob ko, kahit magkaayos manlang kami dun lang ay okay na ako. After non kailangan ko limitahan ang sarili ko sakanya. Nakailang tawag na sakanya ung nanay niya pero di ito lumalabas ng kwarto kaya nagpaalam ako dito na puntahan nalang si Flores. Nadatnan ko itong tulog na tulog, bahagya kong tinitigan ang maamong mukha na to na nagpahiya sa akin sa loob mismo ng school na pag mamay-ari namin. Ang taong bukod tangi na sinabihan akong parang tuta. Hindi ko napigilan ung sarili ko para magsabi ng sorry at namimiss ko na siya. Nanginginig pa ang kamay ko na haplusin ang mukha niya sabay halik sa labi nito. Napaka lambot ng labi niya, kung pwede ko lang ito angkinin maya't maya. Kaso hindi pwede, professor ko siya. At may boyfriend siya, lalo pa at babae ako babae din siya. Siguro ito na ang huling beses na ilalapit ko ang sarili ko sakanya dahil hindi na tama ang nararamdaman kong ito. Sapat na sa akin ngayon na makahingi ng sorry at mahagkan siya sa una at huling beses. Mabilis akong umalis ng bahay nila pagkatapos nang pangyayaring yon. Nagtaka ung nanay niya pero sinabi ko nalang na may emergency sa bahay. Hindi pwede itong nararamdaman ko, ayokong masaktan nanaman ulit. Alam kong infatuation lang ito. Dumaan ang ilang araw at ito na ang camping namin. Sinubukan kong umatras pero bawal na daw bawiin. Naaalala ko pa kung gaano ako kaexcited non para sa araw na ito dahil kasama ito sa plano ko sakanya. Pero ngayon, wala ng excitement. Kasama ko ung mga kaibigan ko pero hindi naman ako mukang mag eenjoy dahil pakiramdam ko kulang padin dahil wala akong binubwcit. Naalala ko pa na halos mayat maya ko siyang kulitin para sumama sa event na ito. Pero ayaw niya. Mainam na din ito, siguro kung dati ay kasama ito sa plano ko sakanya, ngayon may ibang plano ng nakalaan para malimitahan ko ang sarili ko sa Flores na yon. Nandito na kami sa bus at may hinihintay nalang daw sabi ng isang professor namin. Ilang minuto na dapat nakaalis na kami ngayon palang. " I'm sorry, na-late ako. " -- To be continued..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD