Beatrice Lim
" Anak, kamusta naman studies mo? " tanong sakin ni Mom habang kumakain kami ngayon ng breakfast.
" Okay lang naman Mommy. Still top 1 padin ako sa klase, name-maintain ko naman lahat ng grades ko. " pagmamayabang ko sakanila
" Wow, that's good. Ano gusto ng pinaka mamahal kong prinsesa? " ngiti naman sa akin ng daddy ko.
" Well Dad, ako ba di mo tatanungin? " tanong naman ng kuya ko.
" Leo, kapag naging maayos na ang buhay mo saka kita tatanungin ng ganyan. Bakit kasi hindi mo nalang ipagpatuloy yang pag aaral mo? Hindi mo gayahin itong si Beatrice. Pinag bubuti ang pag aaral. Paano kita pagkakatiwalaan na ipahawak sayo ang negosyo kung ganyan ang gusto mong gawin sa buhay mo. " asik ng tatay ko sa kapatid ko.
Every morning ganito na ang routine nilang dalawa. Ang magbangayan, ewan ba naman kasi sa kuya ko kung bakit ayaw na nito mag aral at mas pinili nitong magtayo ng maliit na negosyo.
" Wala kang mapapala sa negosyo mo Leo. Makinig ka sa amin ng Mommy mo. Gayahin mo itong si Beatrice. "
Kung maaari lang, ayokong kinukumpara ako sa kuya ko. Dahil pakiramdam ko nagtatampo na siya sa akin dahil sakin mas nakatuon ang atensyon ng magulang ko.
Nakatahimik nalang ako dahil ayokong ako ang pinagmumulan ng alitan nila, dahil parehas ko silang mahal.
Mabilis akong nagpaalam sakanila para pumasok. Ngunit hindi ako pinansin ni kuya.
" Oh, bakit ang aga aga nakabusangot ang panget na yan? " bungad sa akin ni Zayn habang papasok ako ng pinto dito sa classroom.
" Siguro ay nag away nanaman sila ng kuya niya. " mga bwcit na to. Kunware pang nagbubulungan eh halos marinig na dito sa buong room ung daldalan nila.
" Alam niyo ang aga agad napaka tsimoso niyo! Alis kanga diyan loria! " tabig ko sa kaklase ko dahil ayoko pang maupo sa upuan ko. Malayo kasi sila sa akin. Ewan ba at kung ano ano naiisip ng mga teacher nato na may proper sitting arrangement pa.
" Balita ko ngayon papasok si Miss Flores. Ung terror daw na teacher, mukang kailangan ko makinig ng mabuti. " nag aalangan na kwento ni Jameson.
" Sus! Natatakot kayo don? Tssk! " iiling iling na sagot ko.
Masyado silang nagpapasindak sa mga teacher na ganon. Kung ako tatanungin wala akong pakialam kahit terror pa siya o hindi, ang mahalaga sa akin matuto ako at ma-maintain ko ung grades ko. Hindi ako natatakot sa kung ano pwede niyang gawin sakin o whay ever dahil sa school na to ako ang batas.
Agad nagsipasukan ang mga kaklase ko sa pinto, rinig kopa mula sakanila na paparating na daw ung terror na teacher. Wala akong pakialam sakanya, nanatili padin ako dito sa tabi ng mga kaibigan ko.
Isang maamong muka ang pumasok ng pinto na kinatulala ng mga kaibigan kong lalake at iba pa naming kaklase.
Napaka ganda naman ng teacher na to. Siguro ay bago lang siya dahil mukang bata pa ito.
Sexy din, at bagay na bagay dito ang fitted pants habang nakatack in naman ang polo shirt niya na may logo ng school namin.
Mahaba din ang buhok nito na mas lalong nagpaganda sakaniya. Kaya naman di ko masisisi na natulala tong mga to dahil maganda siya. Pero wala akong pakialam pa don.
" Class, you may go to your proper sit. " malamig na sagot nito.
Dali dali nagsi-sunod naman tong mga kaklase ko. Pansin ko din ang tensyon na nangyayari sakanila. Tapos itong nag mamay ari ng kinauupuan ko ay nakikiusap sa akin na umalis na ako dito at uupo na siya, pero inirapan ko lang ito. Walang makakapigil sa akin pag gusto ko.
" Miss Doria, is there anything wrong? Kanina kapa nakatayo sa upuan ni Miss Lim? " sarcastic na tanong nitong prof namin.
Kakamot kamot lang siya ng ulo. Binigyan ko siya ng tingin na, mas matakot siya sakin kesa dito sa prof na to.
Teka bakit kilala pala na niya kami? Sa natatandaan ko di ko pa siya naging teacher.
Ah! Sa id siguro na nakakabit sa amin, pero ung kaklase ko lang na un ang malapit sakanya. Well, sino ba naman kasi ang di makakakilala sa akin dito?
" Miss Lim, go to your proper sit. This will be my last warning. " pananakot pa niya sakin.
At sino ang tinakot niya? Ako? Duh!
Hindi padin ako nagpatinag, kunwari ay may inaayos akong gamit sa bag ko. Patay malisya nalang ako. Pansin ko na pinagtitinginan na ako ng mga kaklase ko, pati tong mga kaibigan ko ay pinagsisisiko na ako para utusan na sundin ko sinasabi nitong prof na to.
" Miss Lim, isang salita ko pa. " titig padin nito sakin.
Ngunit wala itong talab sakin, wala siyang pakialam kahit saan ako umupo.
" Miss Lim, ganyan ba ang natutunan niyo sa klase? Ang magmatigas sa teacher na nagtuturo sa inyo? Kaya pala napatalsik si Mr. Buenaventura dahil sa attitude mong ganyan. " galit nito.
" Wag mong isisi sakin Mam ang pag alis ng matanda na yon dito. And beside, why we need to sit in proper sitting arangment? May magbabago ba don? " asik ko din dito.
Piliin mong babae ka ang kakalabanin mo, walang teacher dito nih isa ang kumalaban sakin. Kapal ng mukha para pagsalitaan ako ng ganon.
" Kindly expect you in the guidance office after this class Miss Lim. I don't care kung anak ka ng may ari ng school na to. Rule is my rule. " sarap irap niya sakin.
" Gago ka Bea, pumunta kana sa upuan mo. Galit na galit na ung diwata sa harap natin. " bulong ni Jameson ngunit di ko ito pinansin.
Wala ako pakialam kung ipatawag niya ako, di ako natatakot. Bahala siyang magalit ng magalit. At wala akong pakialam pa don.
" Okay class, I'm Alayja Flores, your newly professor in this subject. Get one and pass. Kapag nakita ko sa inyong may lumingon sa katabi, mag expect kayo na zero sa quiz nato. " sabay baba nito ng test paper.
Gulat naman ung mga kaklase namin dahil biglang may surprise quiz pala. Well, kayang kaya ko naman sagutan iyon lahat.
Lumagpas ang ilang minuto, mabilis kong natapos itong quiz bla bla nato. Wala nabang mas mahirap pa dito? Tssk!
Itong mga kaibigan ko naman abot ang kalabit sakin, pero hindi ko sila pinakopya. Bahala silang sumagot sa sarili nila, ng matuto sila.
Tumayo ako at nagpass sa harap ng teacher ko.
" Nakalimutan mo lagyan ng name ung test paper mo miss Lim. " malamig na sabi nito habang tinitignan itong test paper ko.
Ngunit biglang kumunot ang noo niya ng lagyan ko ng smiley face ung test paper ko imbes na pangalan ko ang ilagay ko. Hahaha! Iinisin pa kita.
Pabalik na sana ako ng upuan ko ng marinig kong tawagin ako nito at kinagulat ko ang ginawa niya.
Shit! Pinunit niya ung test paper ko! Damn!
Bwcit na professor to. Anong karapatan niyang punitin ang test paper ko?!
" Bakit mo pinunit? " galit na sagot ko sakanya.
Ngunit di niya ako pinansin. Sinubukan ko manghingi ng isa pang test paper para ulitin ito, pero hindi na niya ako binigyan ulit. Damn! Sumasakit ulo ko sa teacher nato! Hindi ba niya alam at kilala tong nasa harapan niya ngayon?!
" Okay class dismissed. " at mabilis itong lumabas sa classroom namin pagkatapos niyang makuha ang lahat ng test paper ng mga kaklase ko.
Banas na banas padin ako ngayon na nakaupo dito, first time may gumanon sa akin. Humanda kang Flores ka! Sisiguraduhin kong may kalalagyan ka sa ginawa mong pagpapahiya sa akin sa mga kaklase ko!
--
To be continued..