Jema Point of View Inaayos ko ang guest room dahil dito ko balak patulugin si Deanna, tatlo ang kwarto dito sa apartment pero sa iisang kwarto lang natutulog si Mafe at Jovi. Madalas naman kasi wala yung dalawa, lalo na Si Mafe dahil sa dorm na nga ito nakatira. "Baby?" I looked at the back. "Why?" Tanong ko kay Deanna. "Anong ginagawa mo dyan? Hindi naman dito ang kwarto mo, diba?" Sumandal siya sa pader sabay cross arms. "Hindi nga, inaayos ko ito dahil dito ka matutulog." Tumaas ang kilay nito. "What? Ayoko dyan, gusto kita katabi." "Ayoko nga, mamaya gawan mo pa ko ng masama." I said at niyakap ang aking sarili. "Eh . . . . basta ayoko, magtatabi tayo tsaka okay lang naman na magtabi tayo. May nangyari na satin, remember?" She smirked. Napaiwas ako ng tingin. Oo nga noh, may

