Deanna Point of View Nang matapos ang training namin, dumating sila coach Mona tsaka Coach Vince, dala-dala ang pagkain na pinaluto ni Coach Oliver. "Ngayon tayo magce-celebrate ng christmas." Coach O said while smiling. "Merry Christmas lady eagles!" Coach Vince said. "Baklang 'to." Dani said kaya nagtawanan kami. "Guys smile." Coach Oliver said habang nakatapat samin ang camera ng phone niya. "Merry christmas." "Merry Christmas din coach." Sabay-sabay namin sabi. Nagsimula na kami kumain, marami akong nakain dahil katatapos lang ng training. Halos lahat naman kami marami nakain, nakakagutom yung training kasi namin. "Deans tumutunog phone mo." Coach Karlo said while eating. Nilapag ko muna yung plate ko and i took my phone. Hyst! Twitter lang pala, akala ko may tumatawag. "Mukh

