Deanna Point of View It's monday! Gigising na naman ako na masakit ang buong katawan. Katatapos lang ng game namin kahapon and nanalo kami kaya okay lang kahit masakit ang katawan, worth it naman! "Good morning love!" Text ko kay Jema, syempre magte-text muna ako sa baby ko bago maligo. "Deans peram rubber." Sabi ni Ponggay. Kasalukuyan akong nagsisintas ng aking rubber shoes. "Bakit? Nasan mga sapatos mo?" "Hiniram ni ate Trey yung isa tapos yung isa naman nasira, peram muna ako." Hinagis ko naman dito yung isang rubber shoes ko na kulay blue. "Wag mo sirain ah." "Thank you, Wongskie." Nang matapos ako mag-sintas ay bumaba na ko, naabutan ko silang naglalaro ng PS4. "Aga nyan ah." "Good morning ate Deans." Bati sakin ni Jaja. I smiled. "May food na?" "Opo, kumakain na po sila a

