20

1678 Words

"LEN?" Napapitlag si Lenlen. Naputol ang eksena sa isip. Sa pintuan nagmula ang boses kaya doon siya tumingin. Naroon si Sir JC, kapapasok lang. Maingat na ibinaba nito si JD na agad siyang nakita. "JD..." Nang paisa-isang humakbang si JD na nakalahad ang mga braso sa anyong nagpapakarga, tumaas na naman ang emosyon ni Lenlen na hindi pa humuhupa. Naglalaglagan ang malalaking patak ng luha na sinalubong niya si JD, kinarga at mahigpit na niyakap. "I'm sorry," anas niya, nabubulagan ng mga luha. "I'm sorry, baby..." Nagso-sorry siya na nawalan ng chance si JD na lumaking may buong pamilya, na nawalan ng chance na lumaking kasama ang ina—dahil sa nagawang pagkakamali ng tiyuhin. "May nangyari ba, Len?" boses ni Sir JC. Hindi na malinaw ang mukha nito dahil sa mga luha niya. Umiling lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD