Habang binabaybay nila ang daan pabalik sa bahay ni Tyler. Napansin ni Sabrina na hindi ito ang daan papunta doon. " teka teka! hindi ito ang daan sa bahay mo ah! saan mo ko dadalhin?" nagpa giwang giwang ang motorsiklo nito sa daan mabuti na lamang at walang masyadong dumadaan doon. " ano ka ba! Huwag ka ngang malikot pwede ba? hindi naman kita ibibenta! kung maka-react ka Jan akala mo bata! umayos ka nga. madidisgrasya tayo sa ginagawa mo!" singhal nito sa kanya. " saan ba Kasi tayo pupunta naman at ibang daan ang binabaybay natin.?!" "maghintay ka na lang pwede ba?" singhal uli nito. Si Sab naman ay nag aalala pa rin. " wala ka bang tiwala sa akin?!" maya maya ay tanong ni Tyler kay Sab. Pero inihinto nito ang motorsiklo sa gilid ng kalsada. " hah?, bakit tinatanong mo yan ngayon?" "sagutin mo na lang, nakadepende sa sagot mo kung tutuloy tayo o uuwi na." mahinahon na ang boses nito. " ah... ano. ano kasi gusto ko muna malaman kong saan tayo pupunta?" " basta hindi ka mapapahamak sa pupuntahan natin. Ngayon isang tanong isang sagot! May tiwala ka ba sakin?" nagiisip pa si Sab May tiwala naman siya dito isa pa kaklase pala ito nang kuya niya. " ano? naghihintay ako?!" sumisigaw na naman ito daig pa ang May monthly period ang lalaking ito ei " oo na May tiwala na!"
"sigurado ka na niyan sa sagot mo? mukhang napipilitan ka lang naman ei! uwi na lang tayo!" " ah hindi hindi tayo uuwi. Tara na kung saan yan! Go!" sagot na lamang niya dito. Pinaharurot na nito ang motor " yumakap ka sa bewang ko para hindi ka makabitaw." hindi niya sana pakikinggan ito pero mabilis nitong pinahinto at motorsiklo at iniyakap ang dalawang kamay niya sa bewang nito. " ganyan dapat para hindi ka malaglag, para hindi ka din ginawin Sab." ngayon lang siya tinawag nito sa palayaw niya sa malambing na boses. Para naman siyang kinilig sa paraan nito. Ngayon naaalala niya uli. Bakit parang pati boses nito pamilyar sa kanya?" Ilang minuto lang ay huminto sila sa bilihan ng souveiner lahat ng nagtitinda doon ay kakilala na si Tyler. Ipinarada nito ang motor saka siya inalalayan makababa ito na rin ang nagtanggal ng helmet niya. " kung ano man ang marinig mo sa mga nagtitinda totoo lahat ng sinasabi nila. Hinawakan nito ng kamay niya ay sabay na naglakad puno ng ilaw sa paligid dahil gabi na nga. Sa isang tindahan ng mga bulaklak huminto sila at kinausap ni Tyler ang nagtitinda nito. Nakita niya kung paano sumimangot ang babae tinapunan siya ng masakit na tingin. Dahil hindi niya alam kung bakit ganun ang reaksiyon nun ay wala siyang pakialam! "bahala ka Jan! " sambit niya. Sa di kalayuan May nakita siyang bilihan ng bag na yari sa anahaw. Kahit hindi ito ganuon katibay ang nagandahan siya sa desinyo nito. Agad na kinuha niya ito para bilhin sana kaya lang wala pala siyang dalang pera. Hinanap niya si Tyler sa likuran niya ngunit wala ito. " sige lang po miss kunin niyo lang po si sir Tyler na po ang bahala jan.. Natuwa naman siya kaya pinili agad niya ang pinakamagandang desinyo sa mga ito. Isinukbit niya sa balikat niya! "wow bagay na bagay po sa inyo ang bag na yaan ma'am. Ito po ilagay niyo po sa loob para po magtagal po iyan sa inyo." " salamat po dito!" Hinanap niya uli ang kasama niya sa wakas nagpakita na ito. akala niya Iniwan na lang siya nito doon. " oy. Tyler nanjan ka pala! kanina pa kita hinahanap." " nandito lang naman ako hindi ako umalis dito. Saan ka ba galing at saan mo kinuha yang bag mo?" " ah ito ba? doon sa may edad ng babae. hindi nga ako pinagbayad ikaw na daw ang bahala dito sabi niya.. itinuro niya ang babae kay Tyler ngunit wala na ito doon. Pagkatapos nun ay naglakad lakad pa sila Sa bawat dadaanan nilang tindahan na naroroon ay tinatanong siya ni Tyler kung May nagugustuhan ba siya iiling lamang siya dahil wala na siyang matipuhan doon..Halos isang oras din sila doon bago ito nagyayang umuwi na at maaga pa daw sila bukas. Pumayag naman ito at tinahak na nila ang kalsada pauwi sa bahay nito.May nadaanan silang nagtitinda ng balot tinanong siya ni Tyler kung kumakain ba siya nito. " Kumakain kaba niyan" " ah itlog yan diba? malamang kahit sino kumakain ng itlog!" tumawa ang naglalako nito " ineng oo itlog yan pero hindi yan ang ordenaryo g itlog na nilalaga niyo!" "ay ganun po ba nay?pwede ko naman pong tikman!" " sige ba ineng ilan ba gusto mo?" tanong nito " isa lang po ang sa akin " "gawin mo na pong apat nay tag dalawa kami" ika ni Tyler " o sige po sir" at iniabot na nito sa kanila ang nakasupot na balot. "tara sa bahay na natin kainin!" at umuwi na nga sila. Pagkadating sa bahay ay agad na binuksan si Sab ang itlog " ay, ano ba to? May sisiw sa loob? kaya pala sinabi ni nanay na hindi ito ordenaryong itlog. So paano ko to kakainin? tatanggalin ko muna ang balahibo?" habang nagtataka si Sab si Tyler naman ay halos maubos na ang parte niya. Pinagtatawanan siya nito dahil hindi pa pala siya nakakakain noon. " hingupin mo muna ang sabaw niyan bago mo kainin ang laman!" " wala na yatang laman parang buong sisiw na yata ito ei. Tingnan mo oh" at inilapit nito iyon sa mukha nang huli. " ano ba naman yan kainin mo na lang kasi ang arte ei" sa inis inabot na lamang ito ni Sab sa kanya. " oh ayan sayo na lang total ubos mo naman na yan parte mo! ei sa ngayon lang ako nakakain niyan ei! malay ko ba na pati pala sisiw pa lang na nasa itlog ei kinakain pala!" pagmamaktol ni Sab habang papunta ng kusina. "makaluto na nga lang ng itlog!" at naghalungkat nga ito sa kusina sa kasamaang palad naubusan na pala sila ng istock nito " hay, ano ba yan? bakit ngayon pa tayo nawalan ng itlog!?" nagdadabog na hinanap ng dalaga si Tyler ang isa naman ay halatang nabusog yata ito sa apat na balot na kinain nito. Nang makita siya nito ay agad itong umayos ng umupo nakahilata kasi ito sa sofa. " Dito na lang ako sa sala matutulog doon ka nalang sa kwarto ko, mamaya kapangin mo pa ako ei" seryuso pa rin ang mukha nito habang binabanggit iyon. " ah gapangin pala ha" lumapit si Sab sa kanya. Hinawakan niya ito sa balikat at pababa sa braso nito. Si Tyler naman ay natigilan sa ginawa niya. nakatingin lamang ito sa kanya at hindi gumagalaw. Nauutal na din ito " a- anong ginagawa mo?" tanong nito kay Sab. Ipinagpatuloy lamang niya ang paghawak dito sa noo, sa mukha , sa leeg nito. ibinaba din niya ang mukha niya kay Tyler habang naglilibot ang kamay niya pababa sa tiyan nito. Nakapa niya ang subrang tigas ng abs nito hawakan pa lang niya halata nang nag Ji gym ito. Mas lolo pa niyang ipagdikit ang mga niya. Laking gulat ni Sab ng siiilin siya ni Tyler ng halik dahil siguro hindi na ito nakatiis. Ang ginagawang pang aakit ni Sab kay Tyler ay nauwi sa totohanan. Napapikit si Sab at ginagantihan na ang halik nito. Pati si Sab ay nag iinit na din. Sa isip niya hindi kami pwedeng maghalikan dahil wala kaming kung ano mang relasyon.Pero bigla siyang nagising hindi ito pwde." Itutulak na sana niya si Tyler ngunit mas pinagdikit nito ang mga katawan nila. Si Tyler ay kung saan saan na umabot ang kamay nito mas inigihan pa nito ang paghalik sa kanya. Ginagantihan na siya ni Sab nawala na din ito sa katinuan habang naghahalikan sila ay biglang tumunog ang cellphone niya sa bulsa napalayo sa kanya ng kaunti si Tyler. Nag sign language na lamang ito sa kanya na pupunta ng banyo saglit. " he- hello? kuya ikaw ba yan?" "Sab, kamuzta??" sabi nito tiningnan niya ang number sa cellphone niya unregistered number.. " sino po sila?" " nakalimutan mo na ako ah! 6 years na Sab mabuti na lang at hindi mo pala ako binlock sa cellphone mo " sabi sa kanya ng caller "ngayon block ka na!" kilala niya kung sino yon kaya dali dali niyang binlock sa contacts niya "nagsawa na naman siguro sa kaulayaw niya!" Ibinagsak niya ang katawan niya sa sofa. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya doon. Pagkalabas ni Tyler sa banyo ay nakita niya si Sab na nakatulog na sa Sofa hindi na lamang niya ito ginising kumuha na lamang siya ng kumot para May sapin ito sa katawan at hindi lamigin. Naalala niya ang ginawa ni Sab. Bakit kaya iyon ginawa ng dalaga? hindi niya alam, kaya pumasok na lamang siya ng kwarto at doon na natulog.