Chapter 1

2145 Words
"Sorry to hear that I didnt know" " I'm okay, matulog ka na uli pagkagising mo bukas wala na ko dito kung nais mong magluto May stock naman ang ref at May bigas din pwede ka na rin magluto kung marunong ka." " okay" nasambit na lamang niya. " by the way ako nga pala si Sabrina, Sab for short" "Tyler" at pumasok na nga siya nang kwarto. Kinabukasan nagising si Sab sa sinag nang araw. tumayo siya at pumunta ng kusina. ngmumug at naghilamos ng mukha nag init na rin siya ng tubig para magkape naghanap siya ng lagayan ng bigas na tinutukoy ng lalaki kagabi , ni Tyler pala nang mahanap na ay agad siyang nagsalang sa rice cooker.Chineck din niya ang ref. naghanap ng maaaring lutuin. nakakita siya ng itlog at Ham kaya inilabas niya iyon. Pinirito lang ang alam niyang lutuin sa umaga. Habang naghahanda naman siya sa kusina ay lingid sa kaalaman niyang nasa pinto lamang ng kusina si Tyler at pinang mamasdan sa bawat galaw niya Nang matapos na ay agad na nagtimpla siyá ng kape, doon lamang niya napansin na my nakatingin pala sa kanya sa gulat niya ay naibuga niya ang kapeng hinigop, nagkalat tuloy siya sa kusina. " kanina ka pa ba?" tanong niya dito " yup, at mukhang sanay ka na sa kusina ko ah!" " O-oo sabi ko naman sayo sanay akong mag isa pero puro prito lang ang alam ako at pag oorder." " halata naman, dito wala kang pag oorderan " " okay na ako sa paprito prito."sagot niya. "bakit ka pala nandito?para bantayan ako?" May halong biro na saad niya. sumagot naman ito " yes?" at lumapit ito sa kanya " sabi pala ni lola i tour daw muna kita dito sa loob ng Hacienda. kaya ako nandito!" pagkarinig niya sa sinabi nito ay nagmamadali na siya sa pagkakape niya. " naku ngayon na ba tayo aalis??" tanong niya. " later after you eat." " no, hindi na okay na ako sa kape mamayang tanghali na ako kakain." " pero it's already 10 in the morning" tiningnan pa nito ang relo sa bisig nito "kumain ka muna bago tayo umalis!" sasagot pa sana siya pero lumabas na ito ng kusina. " napakasungit talaga nito" pagmamaktol niya. Gaya ng sabi ay sumunod na lamang siya mag alas onse na sila nakaalis Medyo makulimlim ang langit pero okay na din yon maglilibot sila hindi gaanong mainit sa balat. Kinuha niya ang susi ng sasakyan niya ngunit pagkalabas niya ay nakakita siya ng dalawang kabayo. " saglit aalis ba tayo na Jaan sasakay?" tanong niya " yup, bakit hindi kapa nakakasakay nito?" "oo, hindi pa kaya ayuko sumakay Jan " edi iwan na lamang natin si Alicia. ( pangalan ng kabayo) kaya ito munang si Ponce ang sasakyan natin?" " hindi ba pwdeng sasakyan?" " hindi makakaya ng kotse mo ang malalaking bato. "paliwanag nito. Lumakad na sila nauna nilang pinuntahan ang tabing dagat kung saan ikakasal ang kuya niya tiningnan niyang mabuti ito.Kumuha din siya ng larawan Napakaganda talaga ng lugar na ito. Naglakad lakad pa siya sa May dulong bahagi ng dagat mayroong malaking bato roon, hinanap niya si Tyler ngunit hindi ito mahagilap ng mata niya ang sumunod na nakita niya ay ang kabayo na sinakyan nila kanina. Nakatali ito sa isang puno ng niyog doon. Dahil hindi niya talaga makita si Tyler nagsimula siyang akyatin ang malaking bato. " ang ganda naman dito napakatahimik." ipinikit niya ang dalawang mata niya. Pagkadilat niya biglang nadulas ang paa niya sa malaking tipak ng bato nawalan siya ng balanse buti na lang May biglang humawak sa kamay niya " mag iingat ka sa susunod posibleng bumagsak ang ulo mo sa mga bato na nakaabang sa buhangin.!" sigaw nito "inilibot kita para malaman mo na ang lugar na pagdadausan, hindi para magpakamatay ka! Baka kung ako pa ang masisi sakaling May mangyaring masama sa iyo." dagdag pa nito " dahil sa takot ay nagmadali siyang humawak na May pwersa sa mga kamay nito nagpasalamat na din siya baka sakaling mawala ang galit nito. " salamat at pacensiya na. Ngayon lang kasi ako nakapunta nang beach, ninamnam ko lang ang simoy ng hangin." binitiwan nito ang mga kamay niya at nagsimula ng maglakad. Sinundan niya ito ng tingin para talaga itong si Hercules kapag naglalakad mapa humarap man o tumalikod sa 23 taon siyang nabubuhay ito ang pangalawang lalaki na nabigyan niya ng atensiyon una si Edward ang Ex niya. bumabyahe sila noon papuntang Tagaytay para mag celebrate ng anibersaryo nila bilang magkasintahan. Habang nasa daan pinag iisipan niya kung paano ipapaalam dito na nagdadalantao siya. Malinaw pa kasi sa isip niya ang sinabi nito sa kanya " babe, mag ingat muna tayo hindi pa tayo ready para sa isang Angel, sana May maayos na tayong trabaho bago tayo makabuo." sabi nito sa kanya. kaya ngayon hirap na hirap siyang bumuwelo para ipaalam dito ang sitwasyon niya.Nagtaka ito sa kanya bakit napakatahimik niya ngayong araw.Kaya nagtanong ito sa kanya " babe, Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong nito. Tinitigan niya ito sa mga mata at " babe wag ka sanang mabibigla kaso lang ano kasi." kinakabahan na siya ano kaya ang magiging reaksiyon nito sakali magagalit kaya ito? o baka magtalo sila habang nasa daan. Nag aalala siya. " sabihin mo na, hinawakan pa nito ang kamay niya at pinisil pisil, "buntis ako babe, " nang marinig nito iyon ay biglang bumagal ang pagpapatakbo nito ng sasakyan niya. " mapag usapan na natin yan babe, hindi pa tayo ready sa kanya nag ma Masteral pa ako. " May halong garalgal sa boses nito" ito na nga ang magiging resulta baka magtalo na naman kami nito. Inihinto nito ang kotse sa gilid nang sasakyan. Babe, wala pa sa plano natin to isang taon pa. isang taon na lang sana. At ikaw nag aaral kapa baka pahintuin ka nila tito at tita sa pag aaral, hinawakan uli nito ang kamay niya. "Pero andito na ito anong gagawin natin?" naiiyak na siya alam na niyang tututol ito. " babe, makinig ka muna sa akin. Kapag itinuloy natin yan masisira ang kinabukasan natin itatakwil ako ni Papa. Babe, please pumayag ka munang ipaabort natin si Baby, " nagulat siya sa tinuran nito? " ipaabort?, babe anak natin to dugo mo ! magiging anak mo! tapos?" " babe, ganito kapag naman nasa maayos na tayong sitwasyon pupwede na tayong bumuo uli niyan kahit tatlo pa, " naluluha na ring pakiusap nito sa kanya. Pinunasan nito ang mga luha niya at muling binuhay ang makina. Habang binabaybay nila ang daan, naroong muntik na nitong mabangga ang nasa harapan niya napapreno ito bigla2x. halatang wala ito sa sarili Narinig din niya itong namumura. Hindi na lamang niya ito pinansin. Hanggang makarating sila sa hotel na pinabook nila ay namamayani sa kanila ang nakakabinging katahimikan. Sa pagstay nila doon wala na silang ibang ginawa kundi pagtatalo. Siya kasi takot siyang ipaabort ang bata samantalang ito naman ay ayaw na ayaw pa nito. Hanggang sa naisipan niyang mauna nang umuwi inimpaki niya ang mga gamit niya Kahit galit sa akin sila papa at mama maiintindihan din nila ako. Pagkatapos niyon ay lumabas na siya hindi na niya inisip kong magagalit ba ang boyfriend niya kung iiwanan niya ito habang naglalakad sa pasilyo malapit sa main entrance ng hotel May narinig siyang nagtatawan at nag uusap na dalawang tao medyo madilim pa noon, tiningnan niya ang relo alas singko pa lang. Naisip niya bigla saan pala sa ganitong oras ang boyfriend niya.Lumabas kasi ito kagabi nung nagtalo sila habang papalapit ng papalapit siya sa dalawa parang pamilyar sa kanya ang pigura ng lalaking nakatalikod kahit madilim sa lugar naaninag niya ang itsura ng damit nito katulad ito ng suot ng boyfriend niya kagabi. Kaya lumapit pa siya sa mga ito nang magsalita ito kinabahan pa siya "boses niya iyon " sambit ng isip niya. Nagtago siya sa malaking halamanan na naroon, nag uusap ang dalawa. " buntis na si Sab. hindi pa ako handa para doon. " ako ba ang tinutukoy non? " hindi na pala tayo pwede niyan matatali ka na, malamang pipilitin ka nun na magpakasal. Paano na ako? magiging kabet na ang labas ko nun. haha" hagikhik ng babae. Ipapa abort namin ang bata pag nangyayari yon sisisihin ko siya bat niya ginawa yon ay doon ko sa yayaing maghiwalay kami!" natikom niya ang bibig niya sa narinig tama ba ang narinig ko? Unti unti nang bumabagsak ang luha niya. sa narinig hindi na siya nagtagal pa sa lugar na iyon nagmamadali siyang maglakad pa punta sa entrance ng hotel. "kailangan ko nang makaalis sa lugar na ito kaya pala ayaw niya na buntis ako walang hiya siya gusto lang pa lang makipag-break sana sinabi na lang niya.Bakit sa akin pa niya kailangan isisi kong gawin? Akala ko matino siyang lalaki yon pala. manloloko siya" At naglakad siya na luhaan buti na lang at wala pang katao tao ang lugar. Habang naglalakad nabunggo niya ang isang lalaki sabay silang natumba agad naman siyang bumangon pero mas maagap ang lalaki inalalayan siya nito. Nagkatinginan sila pero hindi niya matandaan ang mukha nito dahil puno ng luha ang mga mata niya maya2x pa ay nandilim ang mga mata niya umikot ang paligid niya at nawalan na siya ng malay. Pagkagising niya ay nasa isang malaking kwarto siya puti iyon at may dextrose siya sa kamay. " bakit meron ako nito? " tanong niya nagnagilap siya kung May tao ba siyang kasama sa kwarto ngunit wala , maya2x ay iniluwa nito ang babaeng nakaputi nurse iyon at sumunod sa kanya ang doctor. " Miss huminahon ka" sabi agad nag doctor " kailangan mo pang magpahinga ng isa pang araw kapag okay ka na bukas pwede ka nang makalabas " sabi nito sa pagtataka ay tinanong niya ito " sandali lang po, ano po ba ang nangyari sa akin?" nagtinginan ang dalawa at " miss nakunan ka sorry pero wala na ang baby mo" "hinatid ka dito ng boyfriend mo na nag be bleed kaya ipinasok ka nmin agad sa ER. Dahil sa depression at kulang ka sa hemoglobin kaya humina ng kapit nang baby mo.Sorry hindi na namin siya naagapan. " dire diretsong paliwanag nito " ilang araw na po ako dito doc?" tanong niya rito " 3 days, mukhang okay naman na ang pakiramdam mo maaari kanang umuwi bukas." "wala ka na ring babayaran Naisettle na ng boyfriend mo ang charges mo dito sa hospital. Paki antay na lang siya, baka andito na yon maya maya. Okay miss kailangan ko nang umali, mag ra round pa ako. " at lumabas na ang mga ito sa pinto. " naalala niya ang sinabi nito " ang boyfriend ko ang nagdala sa akin dito yari yon sa akin mamaya ang lakas ng loob niya para magpakita pa sa akin siguro tuwang tuwa yon dahil wala na ang baby namin. Umiiyak na naman siya hindi niya akalain na sa isang iglap lang nawala na agad iyon. Napa upo siya sa kama sakto naman bumukas ang pinto. Pagkabukas na pagkabukas noon ay inihagis agad niya ang unan dito " ang lakas nang loob mo para magpakita pa sa akin.?! sinadya mo sigurong ipatanggal ang baby ko kaya ako nandito ha. tumayo siya para lumapit sana dito pagkatingala niya nagulat siya nang hindi pala ito ang boyfriend niya napahinto siya at napabalik sa kama. Ito naman ay lumapit sa kanya subrang lapit ng mukha nito sa kanya. " Miss Sabrina Tingson Hermano Sa pagmamagandang loob ko sayo dinala kita sa hospital, inayos ang kalagayan mo at libre pa ang bill mo. Ito pala ang isusukli mo? Ikaw pa ang Galit? Imbes na mag-thank you ka sa akin?" pinagdikit na nito ang katawan nila ang dalawang kamay nito ay nasa magkabilang gilid niya. naramdaman nito na nanginig ang tuhod niya kaya hinawakan siya nito sa baywang ang isang kamay naman nito ay hinawakan ang baba niya at pinagpalit ang mga mukha nila. Itutulak niya sana ito nang bigla itong magsalita. "tandaan mo ang mukhang ito baka magkita uli tayo sa future!" galit na saad nito at lumabas na. Nang makalabas ito ay doon pa lamang siya nakahinga ng maluwag. " sino kaya ang taong yon? parang pamilyar siya sa akin." dito na siya nagising sa pag babaliktanaw nang marinig niya si Tyler " Ano sasama ka ba? o iiwanan na lang kita dito. Lutang ka na naman!" sigaw nito sa kanya. Agad siyang pumunta sa gawi niyon. Pagkalapit niya dito ay tinitigan niyang mabuti ang mukha nito. Parang pamilyar ito sa kanya. Sa curios niya tinanong niya ito " nagkita naba tayo dati? para kasing pamilyar ka sa akin ei!" "hindi! " matigas na turun nito. " Sumakay kana bago pa mag bago ang isip ko!" at umalis na nga sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD