Linggo Araw nang kasalanan
Ang lahat na bisitang imbitado sa kasal ni Ni Jerick ay dumating na. Sa loob din ng tatlong araw ay naging masaya at abala lalo na sina Tyler at Sab! nandito na din ang mga magulang nila Sab at Jerick. Tuwang tuwa din ang mga ito ng malamang magkasintahan ang dalawa. Napakalaking bahagi si Tyler sa buhay ng pamilya ni Jerick lalong lalo na kay Sab na tanging ang apat lamang ang nakakaalam sa huli. Hindi pa ito ang tamang oras para malaman ni Sab ang lahat masayang masaya sang lahat. Nag umpisa na din ang seremonya, pagkatapos ng kasal ay dumeretso ang lahat sa reception area para mag si kain.
maraming palaro ang Mc ng event. kahit sina Tyler at Sab ay pinagkaisahan, siguradong sila na ang susunod na ikakasal, Samantala ang kasiyahan ay matitigil sa pagdating ng mga bisita! mga pulis ito at lumapit ito sa kanila Sab at Tyler. Magandang tanghali po maari ko po na kayong mainbetahan sa presento? Ginoong Tyler At Sab? Nang marinig iyon ay nagpa gitna ang papa ni Tyler,
" kamuzta po?, sarhento!." panganga musta nito.
" ginoong De Villa dito po pala kayo!"
" opo ginoo! ano po ang problema at naparito po kayo?" agad na tanong nito
"ano po kasi Sir May nagreklamo po kasi sa amin nandito daw po ang anak niya!"sabi ng sarhento
"patingin nga po!" at nakita nito na ang complinant ay si Lucas.
" naku! mukhang nabaligtad po at ang totoo po niyan ay kami dapat ang magreklamo dahil sapilitan niya kinuha ang batang ito sa anak kong si Tyler. Ang batang ito ay apo ko!!!" nagulat man ang sarhento sa nalaman at nagpatuloy pa rin ito sa ginagawa!
"ganoon po ba? ang reklamo po niya ay kinuha daw ang anak niya? " nalilitong turan ng pulis,
"pero maaari po bang matingnan namin ang buong lugar ginoong De Villa?" maayos na pakikipag usap nito
" wala pong problema!"
"mauuna po kami sa mansion kung maaari!"
lumapit naman si Tyler sa mga ito
" marami po ba kayong kasama?"tanong niya
"marami rami naman iho" sagot Neto
" mabuti! nais ko lang matapos agad, ang iba po sa inyo mansion maiiwan ang iba dito at ang iba sumama sa akin sa bahay ko! Para hindi na kabahan ang mga bisita namin.!" gigil na gigil sa galit si Tyler.
Pagkatapos ng kalahating oras ay nagsibalikan na sa reception hall ang mga pulis.
" negative po!" wika ng tatlong head nang pulis na naghalughog sa kanilang bahay.
" sarhento, palalampasin ko po ang pagkakataong ito" wika ni Ginoong De Villa.
" paumanhin po sa inyong lahat!" at tumalikod na ang mga pulis
kinausap ni Tyler si Jerick tungkol dito dahil halos lahat ng bisita ang mga kaibigan at kaklase nila
" si Lucas hinahanap dito si Zeth! pare anak niya si Zeth kay maybeline! mahabang kwento pero yon na ang totoo at short cut!" nagulat naman si Jerick.
" nagkatotoo ang sinabi ko sa iyo pare!" nakakalungkot pero kailangan mong tanggapin!" huminto sila sa pagkukuwentuhan ng tumunog ang cellphone ni Jerick
" kasal mo pala ngayon bakit hindi ako imbitado?" tanong nito
"kaibigan ba kita? pagkatapos ng ginawa mo kay Sabrina noon? hindi na tayo magkaibigan Lucas!"
"at tigilan mo na sila!" napasigaw si Jerick dito sa galit sa kausap
"nawawala ang anak ko Jerick hinahanap ko lang" wika nito sa inis na tono
" hindi kasalanan ni Tyler ang pagpapabaya mo sa anak mo!" insulto iyon ka Lucas pagkarinig niyon ay pinatay agad nito ang cellphone.
" nakakagigil na siya!" inis na inis na si Jerick kay Lucas..
"tama tama na iyan pare! bagong kasal ka ngayon dapat nagsasaya ka! saan ang honeymoon niyo niya?" tanong niya kay Jerick. Bumulong naman ito sa kanya
" tapos na ang honeymoon pare siguradong nakatriplets na kami at nagtawanan na sila.
ang ibang mga bisita ang nagpaalam na! ang malalapit sa lugar ay nagsiuwian na ang iba naman ay doon sa mansion magpapalipas ng gabi.
samantala ini-offer naman ni Tyler ang bahay niya May dalawang kwarto naman iyon! naisip niyang may kaunting bonding pa sa huling pagkakataon ang mag kapatid. Mag aalalas nuwebe na din nang gabi. Si Sab ay tinawag ni Jerick. Wala kang nasabi sa akin Sab! baka pwede kang magkuwento mamaya?"
" sure kuya!" napaalam na ang dalawa sa kanila . dederetso ito sa bahay ni Tyler sa Lumapit si Tyler dito. enjoy your night with your wife Jerick. doon kami ni Sab sa mansion,
"Salamat pare."
"pwde kang magluto doon Jerick puno ang ref doon." wika ni Tyler dito
" Si Sab pala pwde bang dumito na lang siya? inaalala ko LNG ang safety niya!"
" bukas na tayo mag usap tungkol diyan. kausapin natin ang mga magulang namin tungkol diyan.!" Turan ni Jerick n maya't maya na ang paghihikab. Tinapik tapik nito ang balikat niya. Halatang pagod na pagod ito.
" sige pare." Turan ni Tyler na sa totoo lang ay nais nang puntahan si Zeth. Pero kailangan walang ibang tao sa Hacienda. Bukas naman magsisi alisan na ang mga bisita.
Nang wala nang tao sa reception hall ay nag usap si Sab at Tyler.
" Tyler kinakabahan ako baka bukas May dumating na naman na kung sino" wika nito. bumulong naman ito sa kanya
"wag muna tayong mag usap tungkol diyan, sa Mansion muna tayo, kailangan natin ng dobleng pag iingat ha.!" hinalikan siya nito sa pisngi at umalis na sila.
Pagkarating nila sa mansion, naabutan nila ang mga magulang nilang nag uusap. napahinto sila ng dumating ang dalawa.
Sinalubong sila ng mama at papa ni Sab
" iho, si Jerick?" tanong ng mama ni Sab
" doon po muna sila sa bahay, para ma-enjoy naman po nila ang unang gabi nila bilang mag asawa!" ani Tyler
" naku tama iyan iho!" sang ayon naman ng papa ni Sab
" siyanga pala! buti at nandito kayong dalawa meron tayong mahalagang pag uusapan." wika ng papa ni Tyler na seryoso ang mukha
" dahil sa nangyari kanina napag usapan namin mga anak na dumito muna si Sab!" nangangamba din kasi Iha, ang iyong mga magulang!" pagsisimula nito Sumang ayon ang papa ni Sab,
"isa pa delikado talaga ang Lucas na iyon hindi natin alam ang tumatakbo sa kukuti non!" wika nito. sa Seryosong sitwasyon na ito ay nagbiro ang ama ni Tyler
" Tsaka anak tumatanda na kami baka maari mo na kami bigyan ng totoong apo namin!" nangingiting sambit nito. Siniko naman ito ng asawa niya. Ang Senyora ay nagsalita din.
" wag kayong mag alala nakasisiguro ako na may nabuo na!" wika din nito kaya ang lahat ay nagsitawanan. Napakamot naman ng ulo si Tyler samantalang si Sab ay namula ang mukha!
" si lola naman ei binuko mo naman kami!" nabalot ng tawanan ang sala.
"oh gabi na bukas na lamang natin ipagpatuloy ang pag uusap na ito at malalim na ang gabi." Nagsi tayuan na ang lahat at pumanhik na sa mga kwartong inilaan sa kanila. Inihatid ni Tyler ang senyora sa kwarto nito. Inihiga niya ito sa kama.
" apo napakasaya ko at naging maayos na ang lahat!" turan nito at niyakap ng mahigpit si Tyler
"siya nga po lola, magpahinga na po kayo!" at isinara ni Tyler ang pinto. Naabutan naman niya si Sab na naghihintay sa kanya sa sala
" Sab, sana nauna ka nang pumasok sa kwarto!"
" ayos lang hinintay lang kita"
" well tara na?" at sabay na nga silang pumasok sa kwarto