Napabalikwas ng bangon si Zoe dahil sa isang malamig na tubig na bumuhos sa kanyang buong katawan. At nang tingnan niya kong sino ang may gawa ay biglang nanlaki ang kanyang mga mata. “Ano bang ginagawa mo, Violete?” gulat na gulat nitong turan habang nanlalaki ang kanyang mga mata. “Tanga ka ba? Hindi mo ba nakita na gigising kita, ha?” madiing usal nito at dinampot ang mga marurumi niyang damit at saka ibinato kay Zoe. “Ayan, labhan mo ‘yan! Hindi ka senorita dito sa bahay kaya gagawin mo kung ano man ang inuutos ko sa ‘yo!” madiing wika pa nito. Tumayo ito at galit na sinigawan si Violete. Tinaasan lang siya ng kilay ni Violete at saka ngumisi ng mapait na lalo niyang ikinainis. “Hindi mo ba talaga ako titigilan, ha?! madiing usal nito kay Violete at dinampot ang mga maruruming

