“Kapag nalaman ko lang na si Edward ang tumulong sa ‘yo, malalagot ka sa ‘min ni Mommy, Zoe!” madiing usal nito habang nanggigigil sa galit. “Bilisan niyo nga, Manong! Ang bagal niyo!” galit na usal pa nito sa kanyang driver. “Pasensya na po, Ma’am.” Inapakan nito ang silenyador ng madiin kaya lalong bumilis ang takbo ng kanilang sasakyan. Subalit bigla na lang bumagal ang kanilang takbo dahil biglang nag-over heat ang kanilang sasakyan. “A-anong nangyayari? B-bakit tayo tumigil?” gulat na tanong nito sa kanyang driver. Napakamot naman ang driver sa kanyang ulo dahil nasiraan sila. “Mukhang nasiraan po tayo, Ma’am.” Binuksan nito ang pintuan at mabilis na lumabas. Binuksan nito ang hood ng kotse para i-check ang makina. Ngunit nang mabuksan niya ito ay bigla may bumugang usok sa

