Masayang pinapanood ni Edward na natutulog si Zoe. Pangiti-ngiti pa ito habang tinititigan ang mukha ng dalaga. “Napagandang nilalang!” nakangiting bulong nito. At inilapit pa ang kanyang mukha sa natutulog na dalaga. Pinapasadahan niya ng tingin ang kabuuhan ng itsura ni Zoe. “Napaka-innosente ng iyong mukha, Zoe! Kaygandang pagmasdan,” muling bulong nito at napangiti ng matamis. Hinawi nito ang kaunting buhok na nagkalat sa mukha ng dalaga. At sinimula niya na naman itong titigan mula sa mata nitong nakapikit. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang ibinaba ang tingin sa maliit at matangos na ilong ni Zoe. Hanggang sa napako ang paningin niya sa manipis at mapupulang labi ng dalaga. Subalit walang kaalam-alam si Edward na nararamdaman ni Zoe ang kanyang presensya. Nagising ang kanyang

