SHEENA Ilang minuto pa lang kaming magkaharap ni Brylle ay parang maiihi na ko sa underwear ko. Sobra akong naiilang na makipag-usap sa kaniya at feeling ko ay mas'yado kong nililimitahan ang mga salita ko dahil sa kausap ko ngayon. "Hmm. . . You want to eat?" tanong ko sa kaniya at saka tipid na ngumiti. Sa totoo lang, tipid na ngiti lang ang binibigay ko sa kaniya kanina pa dahil hindi ko talaga kayang ilabas ang sarili ko sa kaniya. Ganito pala kalaki ang pinagkaiba ng pakikipag-usap sa f*******: at sa personal. Gusto kong bumuntong hininga sa harapan niya kanina pa, pero hindi ko magawa dahil baka bigla niya kong iwan. Masasayang lang ang pinunta ko rito. "Sure. Waiter!" sagot niya sa akin sabay baling at tawag sa waiter. Magsasalita na sana ulit ako nang tumunog na naman ang l

