Sheysu's POV
''Sheysu! Bumangon ka na diyan.'' Narinig kong tawag sa'kin kaya bigla naman din akong napabangon.
''Ang aga-aga pa Ally.'' Pagmamaktol ko sa kan'ya habang inaantok pa.
''Anong maaga pa? Hello? First day ng school oh, saka bawal tayong ma-late alam mo naman na pinaglihi sa kamalditahan yung Queen eh.'' Pagsermon niya sa'kin at ako naman ay napahikab pa.
Bumangon na ako at dumeretso sa banyo. Ako nga pala si Sheysu Mendez at isa sa mga estudyanteng nag aaral sa Enchanted Academy. Ordinaryong estudyante lamang ako at gano'n din ang kaibigan ko na si Ally. Balak kong mamuhay bilang isang normal na estudyante sa paaralan na 'to.
Bumangon na ko saka pumasok ng banyo para maligo. Ilang minuto pa kaming nagtitigan ng tubig dahil sa lamig ng temperatura. Nang marinig ko si Ally sa labas ay saka lang ako nagbuhos.
Mga 10 minutes lang ata ako naligo dahil malamig at nagmamadali na rin 'tong kasama ko.
''Tara na nga, ang bagal mo kasi eh pag tayo nalate. Ewan ko na lang talaga sayo.'' Nagmamadaling sabi niya at lumabas na kami ng dorm. Magkakahiwalay nga pala ang mga dorm dito kumbaga kaming mga estudyante na walang pang rank sa paaralan na 'to ay sa normal dorm lang at sa royal dorm syempre naman para lang sa mga Royals. Oh ang arte 'di ba?
Wala na rin akong magulang dahil namatay sila nung naganap ang unang war sa pagitan ng ECT at Monggolia Academy. Labing anim na taong gulang na ako at nasa 4th year high school na ako ngayon. Nakarating na kami ni Ally sa gym at tulad lang din ng dati ang dami pa ring estudiyante sa academia. Buti na lang talaga magsisimula pa lang. Rinig ko naman ang paghinga ng malalim ni Ally na parang sinasabi sa'kin na safe kami.
''Sa mga lumang estudyante ay siguro naman na naalala at kabisado niyo na ang rules dito sa ECT, okay sa mga bagong estudyante ay eto ang mga rules...
Rule #1: Hindi na kayo pwedeng lumabas pa ng ECT pwera na lamang kung holiday or emergency.
Rule #2: Hindi niyo pwedeng gamitin ang kapangyarihan niyo kung hindi kinakailangan tanging kami lang ang pwedeng gumamit dahil kami ang namamahala dito.
Rule #3: Wag niyo kaming kakalabanin dahil sa huli pagsisisihan niyo lang.
Yan lang ang mga rules na kailangan niyong sundin sa loob ng paaralan na 'to.'' Makapangyarihan na sabi ng Queen pero mahahalata mo talagang may attitude.
Si Catrina Mendoza ang Queen ng ECT, ang kan'yang kapangyarihan ay water and black magic. Dalawa ang kan'yang guardian at 'yon ay si Neon isang Phoenix at si Lovely isang Cheetah. Mula first year high school pa lang ay itinakda na talaga siyang maging Queen ng paaralan na 'to dahil sa impluwensya ng mga magulang niya.
Si Josh Chua ang King ng ECT, ang kan'yang kapangyarihan ay fire and black magic. Dalawa ang kan'yang guardian at yun ay si Jay isang wolf at si Ara isang Phoenix. Mula rin first year high school ay itinakda na siya bilang King ng paaralan na 'to dahil makapangyarihan ang pamilya niya at hindi rin maipagkakaila na malakas rin ito. Ang magulang ni Catrina at Josh ay parehong involve sa black magic pero dapat ay hindi nila 'to gamitin kung sa anumang bagay na hindi kinakailangan dahil sa kadahilanang may maaring masaktan.
Si Aya Cruz ang Princess ng ECT, ang kan'yang kapangyarihan ay Wind. Dalawa ang kan'yang guardians iyon ay si Kitkat isang cheetah at si Katty isang phoenix. Mula second year high school ay itinakda na siya bilang Princess ng paaralan dahil sa taglay niyang kagandahan at dahil din sa kan'yang pamilya.
Ang pinakahuli naman ay si Adrian Bustillo ang Prince ng ECT, ang kan'yang kapangyarihan ay Gravity. Dalawa ang kanyang guardians yun ay si Jam isang Phoenix at si Yuri isang Lion. Mula third year high school ay itinakda na siyang Prince dahil sa impluwensya ng kan'yang mga magulang.
''Sheysu ang gwapo talaga ni Josh at Adrian, grabe kinikilig ako'' Kinikilig pa na sabi ni Ally dito sa tabi ko.
''Manahimik ka nga, sakin lang si Josh kaya wag ka nang maki-agaw.'' Natatawang sabi ko pero hindi yun totoo.
''Anong year na kayo?'' Napatigil naman kami sa pag-aasaran at napatingin kami sa nag-salita, si Catrina.
''Fourth year po.'' Sagot ko dahil ramdam kong kinakabahan si Ally at hindi talaga 'to makakapagsalita.
''Fourth year pa lang kayo pero ang aga niyong lumalandi ah. Ikaw na babae ka anong sabi mo kanina? Na sayo lang si Josh? Hindi yun mangyayari dahil sa'kin lang siya. Ang King ay para lang sa Queen saka never siyang papatol sa mga tulad niyo dahil hindi niya kayo ka-level.'' Makapangyarihang sabi niya saka umalis at mahahalata mo talagang may attitude siya. Luh, sigi saksak mo sa baga mo.
''Ang sama talaga ng ugali nun, bakit ba siya ang napiling Queen ng Card Master?'' Naiinis na sabi ni Ally.
''Tara na Ally at baka ma-late pa tayo sa klase natin.'' Aya ko sa kan'ya at naglakad na kami.
Ang Card Master ang siyang pumipili kung sino ang nais niyang maging Royals. Tradition kasi 'yon.
"Oo nga, bakit nga ba siya pa?" Bulong ko sa sarili ko.
Nakarating na kami ng classroom at pagbukas ng pinto ay nandito na ang prof, nilibot ko ang paningin ko at teka lang ha, hala! Puro siraulo pala ang magiging classmates namin eh kasi naman hindi kami nakapasa sa exam.
Nung nakaraang linggo kasi may naganap na exam ang makakakuha ng 90 pataas ay sa higher section ilalagay pero 89 lang ang nakuha namin ni Ally kaya ayun sa lower section ang bagsak namin. Sayang nga one point na lang, di pa pumasa.
''Introduce yourselves.'' Nakatingin na sabi sa amin ng prof kaya napatingin din sa'min ang mga kaklase namin. Nakakahiya naunahan pa kami ng prof.
''I'm Ally Merca and nice to meet you all.'' Nakangiti na pakilala ni Ally.
''I'm Sheysu Mendez.'' Pakilala ko at ngumiti rin naman ng konti.
''Okay please take a seat.'' Sabi ng prof at tumango lang kami ni Ally. Naghanap na kami ng mauupuan at sakto naman na may dalawang bakanteng upuan sa likod kaya doon na kami naupo.
Natapos ang unang subject namin at ang susunod na subject ay P.E kaya nag bihis na muna kami, pagkatapos naming mag bihis ay agad kaming dumiretso papuntang gym. Kakapasok lang namin ng gym ay nahagip na agad ng mga mata ko ang buong higher section syempre kasama na doon yung Queen, King, Princess, and Prince.
''Haynako, pag nakikita ko ang pagmumukha ng Queen na yan ay gusto ko siyang sampalin.'' Narinig kong inis na sabi ni Ally pero mahina lang. Loka talaga 're, pag siya narinig ni Queen yari na naman kami.
''Okay class pwede niyo ng palabasin ang mga guardians niyo.'' Sabi ng prof namin, agad naman nilang pinalabas yung guardians nila pati na rin yung higher section. Tuwing PE subject ay pwedeng magsama-sama ang iba't ibang section. Ginawa ata 'to para makapag bida bida ang higher section eh. Ang royals ay may guardians na Phoenix bilang sign na isa sila sa mga royals.
''Leo.'' Pagtawag ni Ally sa guardian niya at may lumitaw na tiger.
''Max.'' Pagtawag ko at lumitaw na ang guardian ko, si Max ay isang wolf dog. Nagsimula ng umikot si Max, ganyan talaga siya sobrang likot niya.
May tatlo akong guardians, syempre ako ang Card Master kaya ako ang may pinakamadaming guardians pero syempre secret lang. Ang pangalawa kong guardian ay si Nix isa siyang Phoenix, ang pangatlo ko namang guardian ay si Sheyi pero kakaiba siya. Wala pang nakakakita sa kan'ya tanging ako pa lang at saka sobrang hirap niyang palabasin.
''Arf! Arf! Arf!'' Bigla naman akong napatingin sa tumahol, si Max! Tinatahulan niya si Catrina. Nakakita ng bruha kaya ayon tinahulan.
''Kanino bang guardian to?! Paalisin niyo nga yan!'' Sigaw ni Catrina kaya agad naman akong pumunta sa gawi nila at nilapitan ko si Max.
''Max stop!'' Saway ko sa kanya kaya naman tumahimik na siya at lumapit sa'kin.
''Ayoko ng mauulit to ah, sa susunod na maulit to hindi mo na ulit makikita yang guardian mo!'' Sigaw sakin ni Catrina.
''Queen pag pasensyahan niyo napo ang guardian ng estudiyante ko.'' Paghingi ng tawad ng teacher namin habang nakayuko sa harap ni Catrina.
''Ayoko ng mauulit to! Layas!'' Galit na sabi niya at saka kami umalis.
Biglang lumapit sa'kin si Aya kaya nagulat silang lahat wala kasi siyang ibang nilalapitan at kinakausap bukod sa Queen, King & Prince.
''Ate pagpasensyahan mo na si Catrina ha.'' Sabi niya, tumango lang ako. Umalis na rin siya agad at bumalik sa higher section.
''Close kayo?'' Chismosang bulong sa'kin ni Ally, umiling lang ako.
Nagsimula na ang klase, ang pinagawa lang ni sir sa'min ay pinatakbo kami sa buong school. Yung iba ay wala ng malay, ikaw ba naman patakbuhin sa buong school na kasama ang guardian mo, inuubos kasi ng guardian ang lakas ng master niya sa oras na pinalabas na siya nito. Kailangan talaga na may sapat na mana kaya kailangan talaga na mag training kasama ang guardian.
Natapos na ang klase kaya dumeretso na kami sa cafeteria.
*Cafeteria*
Kumakain na kami ngayon ni Ally at grabe lang ang babaeng to gutom na gutom.
''Ilang taon kang hindi kumain?'' Tanong ko sa kan'ya habang pinapanood siya na kumain. Hindi naman siya tumingin sakin at pinagpatuloy lang ang paglamon este kain.
''Grabe ka naman bessy, nakakapagod kaya yung ginawa natin kanina, ang sama kasi ni sir eh.'' Sabi niya habang ngumunguya. Ang dugyot ng babaeng 'to kitang kita ko na mga kinakain niya sa bibig.
''Tsk. Nanisi kapa, bilisan mo ngang kumain baka ma-late tayo sa next subject.'' Sabi ko na lang sa kan'ya dahil nakakahiya pag may nakakita sa kan'yang kumain.
''Ano ba yung next subject?'' Walang interes na tanong niya at patuloy pa rin sa pagsalpak ng pagkain sa bibig niya.
''History." Sagot ko sa kan'ya.
''OMO! Tara na bessy'' Excited na sabi niya at hinila ako paalia, paborito niya kasi ang History kaya gan'yan siya.
***
Pumasok na kami sa room at sobrang ingay ng mga kaklase ko aakalain mo talagang palengke itong classroom eh. Biglang pumasok si Ma'am Joy yung teacher namin sa History, kaya nagsi-ayusan sila.
''Habang nagke-kwento ako gusto ko walang maingay, okay?'' Sabi ni Ma'am Joy na hindi na nag abalang batiin pa kami, tumango naman kami sa sinabi niya.
''10 years ago ay may naganap na digmaan sa pagitan ng ECT at Monggolia, maraming namatay at namatayan, kasama sa mga namatay ang siyang may ari ng iskwelahan na ito...'' Pagsisimula niya ng kwento.
''Ma'am kung namatay ang may ari ng iskwelahang to, sino na po ang nagpapatakbo sa school?'' Tanong ng isang kaklase ko.
''Ang anak nila.'' Sagot naman ni ma'am Joy.
''May anak po sila?'' Tanong naman ng isa pa.
Sinabi na nga 'di ba? Haynako.
''Oo, pero hindi namin alam ang pangalan niya, kilala siya sa Academy bilang Card Master.''
''Babae po ba?'' Tanong ng isa pa.
''Hindi namin alam dahil pag nagpapakita siya samin ay naka cloak siya.''
''Ma'am pwedeng kwentuhan niyo po kami tungkol sa Card Master pati na rin ang tungkol sa mga nakatataas dito sa school."
''Ang mga nakatataas nga pala ay mayroong dalawang guardians at ang mga ordinaryong estudiyante naman ay may isang guardian lang, Sa paaralang ito ay may itinalaga ang Card Master na Queen, King, Princess & Prince. Kung may makikita kayong tao na may guardian na Phoenix ibig sabihin ay nasa mataas na position siya, isang taon na rin pala ang nakalilipas dahil hindi na nagpaparamdam at nagpapakita ang Card Master.'' Kwento ni ma'am.
''Baka patay na siya."
Ikaw gawin kong patay gusto mo?
''Wag nga kayong mag-isip ng ganyan. Saway ni ma'am.
"Mam bakit po ba magka-away ang ECT at Monggolia?"
"Dahil gusto nilang makuha ang kapangyarihan natin."
"Posible po bang magkaroon ulit ng gera?"
"Oo." Seryosong sagot ni ma'am.
Natahimik silang lahat.
"Kaya kayo nandito ay para mahasa ninyo ang inyong mga abilidad, katawan, at kapangyarihan na ibinigay sa inyo, para sa araw ng laban ay malakas kayo."
Pagkatapos sabihin ni ma'am yun ay nag bell na, ibig sabihin lunch na. Lumabas na kami ni Ally ng room at pumunta sa cafeteria.
∆∆∆