Sheysu's POV Ano bang ibig n'yang sabihin? At sino ba siya? Naguguluhan na talaga ako. "Hoy! tignan mo 'tong babae na 'to, tulala naman ngayon." Narinig kong sabi ni Josh kaya naman tinignan ko ito at saka sinamaan nang tingin. "Eh ano naman kung tulala? Bakit masama ba?" Inis kong sabi kay Josh at hindi naman na ito kumibo. "Tabi nga" Sabi ko para maka alis na din doon sa lawa at tumabi naman ito. Ano kayang ginagawa dito ni Josh? Maya maya pa ay bumalik na ako sa dorm namin at nakita kong nandoon na din si Ally. "Nandito na 'ko..." Sabi ko habang naka ngiti. Agad namang lumapit sa 'kin si Ally. "Sabi ni Arrow ay bumili lang daw siya saglit nang pagkain mo kanina, tapos pagbalik n'ya sa clinic ay bigla kana raw nawala doon. Saan kaba nag punta?" Tanong niya sakin. "Nag ikot-ikot l

