Pagdilat ko ng mga mata ko ay namangha ako sa nakikita ko ngayon. Nakikita ko ang kalawakan at nakikita ko ang mga planeta habang ako ay nakalutang. "Sheysu." Napatingin ako sa tumawag sa'kin at nagulat nang makita ko si Sheyi. Sobrang laki niya ngayon, mas malaki pa siya nung huli ko siyang nakita. "Anong ginagawa mo dito, Sheyi?" Gulat na tanong ko sa kan'ya habang pinagmamasdan siya. "Isa akong galaxy dragon guardian na pinagkaloob sayo para bantayan ka. Hindi ko akalain na ikaw mismo ang maglalagay sa sarili mong kamatayan." Sabi niya na ikinagulat ko. Namangha rin ako dahil nakakapagsalita pala siya. "Hindi ka dapat namatay." Sabi pa niya at ngayon ko lang naalala ang mga nangyari. Napabuntong hininga naman ako saka nalungkot. "Gusto ko ulit silang makita." Nalulungkot na sabi
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


