CHAPTER 60 Hindi na nagsayang ng oras si Zeta, kinagabihan din pagkatapos nilang maisara ang shop ay tinawagan niya si Craig para pabalikin sa bahay nila. Isang bagay lang naman ang gusto niyang pag-usapan nilang lahat ngayon: "Ano na ang gagawin natin ngayon laban sa Fallen Angel?" Nagtipon-tipon sina Zyx, Cahil, Wren, Craig, at Dawin sa kanilang hapag-kainan. Pare-parehong nagtataka na si Zeta ang nagpatawag ng meeting na ito. Sa isip ng dalaga, hindi na niya dapat pang hintayin ang pagkakataon na sila Zyx ang gumawa ng meeting, dahil may posibilidad na gumawa sila ng paraan para hindi siya makasama. Pero kung siya ang magpapatawag ng meeting, tiyak na siya na ang boses, kasama pa siya. "Zeta, ano na naman ba ito? Pumunta kami ni Craig dahil akala ko ay si Zyx ang may sasabihin. Tapos

