Chapter 47

2722 Words

CHAPTER 47 Mainit at tirik ang araw pero nasa labas ang magkaibigan, sa tapat ng isang hindi gaanong kilalang kainan. Halos hindi nalalayo ang pwesto nito sa Police Station. Wala silang ibang pagpipilian kundi ang lumabas kahit galit na galit ang araw dahil may kailangan silang asikashin at ngayon lang ang oras na puwede itong gawin. Pero dahil kaaway ng balat nila ang sinag ng araw ay nasa loob lang naman ng kotse ang dalawa habang matiyagang naghihintay sa kanilang kikitain ngayong araw. "Isang paraan para hindi na nating kailanganin ang tulong ng grupo ni Zyx sa delikadong misyon, pero magagawa pa ring imbestigahan ang kilos ni Marcel Delos Reyes nang hindi napapansin ng Fallen Angel. Wow, hindi ko inasahan sa 'yo na maiisip mo ito," komento ni Dawin habang pailing-iling at nakangisi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD