CHAPTER 56 Kumpara sa naging takbo nina Craig at Dawin kanina, mas mabilis ito ngayon. Wala silang ibang maaring gawin ngayon kundi ang manalangin na nasa mabuti ngang lagay si Zyx. Hindi intensyon ni Dawin na magmukhang kaskasero sa pagmamaneho, pero walang ibang paraan para madali ang takbo nila para mabilis na makarating. Hindi nila alam kung ano ang maaring abutan nila sa pupuntahan kung hindi sila magmamadali, lalo pa ngayong tiyak sila na hindi palalampasin ng kalaban na buhay ang target nila. Kanina pa rin nag-iisip si Craig kung dapat na ba niyang tawagan si Zeta para ipaalam sa kanila ang nangyari—ang biglang pagkawala ni Zyx sa linya habang nasa misyon pa silang sundan si Shiela. Pero kahit anong pilit ang gawin niya sa sarili niya para kumilos ito ay wala pa rin siyang lakas n

