CHAPTER 19 Dalawa ang shop nila kaya kailangang maghati sila ng trabaho sa pagbabantay nito. Dahil abala si Zyx sa pagbabantay kay Zeta at naiintindihan naman iyon ng dalawa pa niyang kaibigan ay hinayaan na nila itong ituon na lang ang lahat ng oras niya sa dalaga. Habang pinaghatian naman nilang dalawa ang pagbabantay sa mga nasabing shop nila, si Wren ang tao sa Computer Shop at si Cahil naman sa Repair Shop. Hindi naman problema sa kanila ang trabaho kahit mag-isa lang sila sa shop, dahil pareho naman nilang hilig ang kani-kanilang trabaho, idagdag pa na nalilibang din sila sa ginagawa nila. Gustong-gusto ni Wren na siya ang tao sa Computer Shop nila para maghapon din siyang nakakapaglaro. Kahit nakikipagpalit minsan si Cahil sa kanya ay hindi siya pumapayag dahil ang katwiran niya a

