CHAPTER 29 Ilang sandali nilang hinintay na magsalita si Zeta, pero sila na lang nainip dahil talagang walang naging pagbabago sa dalaga. Ganoon pa rin ang posisyon niya mula kanina, nakaupo at nakatulala lang sa kung saan. Walang bakas na may balak itong magsalita, ni hindi rin ito tumitingin sa kanila gaya ng sinabi Zyx na kaya nang gawin ngayon ni Zeta kapag may kumakausap sa kanya. Nakaramdam ng bahagyang kalungkutan si Craig dahil sa nakikita niyang naging resulta ng paghihirap nilang lahat. Maaring maliit lang na bagay kung titingnan na muli silang nagkita na dalawa, pero sa kanyang paningin ay madami muna siyan ginawa at pinatunayan para umabot siya sa puntong malapitan niyang muli ang dalaga. Pero kahit na nakaharap at nakatabi niya na ito ngayon, dahil sa kondsisyon nito ay para

