CHAPTER 45 Buong magdamag na nagbasa at nagsaliksik si Craig sa bagay na gusto niyang tuklasin, kahit mag-isa lang siyang nagtatrabaho at kahit wala ang tulong ni Dawin ay hindi niya ito pinansin. Seryoso talaga siya sa hinahanap niya. Alam din kasi niyang kapag hindi siya kumilos, lalo silang hindi makakausad sa kaso. Maaring sa unang tingin ay parang walang koneksyon ang ginagawa niya sa kasong hawak nila, pero alam niya na pagkatapos nito ay may magiging magandang resulta ang pagod niya. At gaya ng inaasahan niya ay hindi nasayang ang pagpupuyat niya dahil nalaman niya ang lahat ng kailangan niyang malaman. Isang bagay na hindi na rin naman nakakagulat para sa kagaya niyang magaling mag-imbestiga at maghanap ng clue. Madaling araw na siya nakauwi sa bahay at umidlip ng sandali, tapos

