CHAPTER 35 "Congrats, nahuli mo ulit si de Guzman," ani Sir Ocampo. Nakaupo ito sa swivel chair ng kanyang opisina, kaharap sina Craig at Dawin. Maaring natural lang ang tono ng boses niya, pero buhay na buhay ang tono ng boses niya para iparating sa kausap na totoong nagdidiwang siya sa bagay na nagawa ng mga tauhan niya. Inabot ni Craig ang kamay ng kanyang C.O. nang makipagkamay ito. Ngumiti siya ng tipid nang tanggapin niya iyon saka nagpasalamat. Pagbitiw nila ay lumipat ang kamay ng kanyang C.O. kay Dawin para ito naman ang kamayan at ginaya lang ng binata ang sinabi ng kasama niya. Sabay din silang naupo pagkatapos n'on. Masaya rin naman ang magkaibigan para sa bagay na nagawa nila ngayon lang, pero alam nilang hindi pa ito ang oras para tuluyan silang magdiwang. "Ngayong hawak m

