CHAPTER 53 "Hindi ko akalain na ganoon kabilis," ani Dawin. Ilang minutong katahimikan ang namayani sa pagitan ng magkaibigan. Nasa Morgue sila at tinitingnan ang katawan ni Joshua, walang kahit na anong sugat sa katawan niya—walang kahit anong magpapakita na sinaktan muna siya bago namatay. Pero kahit hindi pa nila nakikita ang autopsy report at kahit walang makitang ebidensya sa katawan ng biktima, nakakatiyak pa rin silang pinatay ito. Maging ang mga pulis na bantay ng selda nito ay naniniwalang pinatay ito, dahil saksi sila na mabuti pa ang lagay nito nang kausapin siya nina Craig. Ang pinagkaiba lang ng dalawang magkaibigan sa mga pulis na ito ay alam nila kung sino ang pumatay sa kay Joshua. Hindi magawang makaimik ni Craig, bumabalik lang sa alaala niya ang mga sinabi ni Joshua,

