CHAPTER 25 "Saang dokumento mo nabasa na hindi na makukulong ang isang kriminal kapag tumulong sila sa kaso ng iba?! Goddamnit, Dominguez! Ikinahihiya kong kilala kita!" Muli na namang sumalo ng sandamakmak na sermon si Craig nang sabihin niya sa C.O. niya ang tungkol sa plano niyang gamitin ang grupo ni Zyx laban kay Karl Christian de Guzman at ang naging kasunduan nila ay hindi na nila ito ikukulong kapag tumulong sila sa pulis. Alam naman ni Craig ang tungkol sa sinasabi ni Ocampo, sadyang gusto niya lang ipakita sa ginoo na gumawa siya ng paraan para magtiwala sa kanya ang mga kausap. Sa bagay kasi na ito, hindi lang sapat ang bagay na magkaibigan at magkababata sila para makumbinsi ang grupo na makipagtulungan sa kanila na ayon sa mga kondisyon nila. "Ilang beses ko bang uulitin sa

