“Uy Pare, have a seat.” Sambit ko nang maramdaman ko ang kamay niya sa balikat ako. Agad itong umupo sa upuan na nasa tabi ko bago namin pagdikitin ang aming mga kamao. Dito na ako naabutan ni Miguel sa garden. May hang over kasi ako dahil dalawang bote ata ng alak ang naubos ko kagabi. Maagang pumasok si Jessica sa opisina to take care of the things I can’t do today. Wala akong balak pumasok ngayon, e. Balak kong titigan ang mga bulaklak dito sa garden. “Pupunta sana kami ni Pat sa office, kaso sabi ni Jess, nandito ka raw.” Tinapunan ko lang s’ya ng tingin bago ako marahan na tumango. Hindi ko na nagawa pang sagutin siya dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. “Okay ka lang ba?” “Hmmm,” I nod with a forced smile. “Hello, Thiago. How are you?” Galak na boses ang narinig ko mula kay Patr

