Tumigil kami sa tapat ng pinto ng mansion. Tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay at bumaba sa kanyang motorsiklo. Marahan kong hinubad ang helmet ko at tinapunan siya ng tingin. Nakasara ang helmet niya at tinted ang salamin nito kaya't hindi ko alam kung saan siya nakatingin. "Alvaro…" aniko. Nilingon niya ako. "Ano nga ba 'yung gusto mong sabihin kanina?" dagdag ko. May balak kasi siyang sabihin kanina kaso biglang tumawag si Jessica at pinababalik na kami kaya't hindi niya nagawang ituloy ang gusto niyang sabihin… Nanatiling nakatutok sa'kin ang ulo niya kaya't kahit sarado ang kanyang salamin, alam ko at ramdam kong nakatingin siya sa'kin ngayon. Marahan kong niyakap ang helmet na hawak ko at naghihintay sa kanyang sasabihin, dahil pakiramdam ko ay may gusto talaga siyang sabih

