Pagkatapos ng gabing iyon na magkasamang nag-bar hopping silang dalawa ni Jeffry ay hindi na iyon muling nasundan pa ng mga sumunod na araw. Naging abala na kasi siya sa kanyang trabaho at kasalukuyang pinaghahandaan na rin niya ang pag-uwi ng kaibigang si Cian ilang araw na lamang ang bibilangin. Sa wakas ay araw na ng pagdating ni Cian sa Pilipinas mula sa Canada. Lahat sila ay sobrang excited. Maaga silang dumating sa airport. Kasama niya sina Dwane at Lianne para sunduin ang paparating na kaibigan kahit dalawang oras pa naman ang kanilang hihintayin. Lahat sila ay nasasabik na sa masisilayang itsura ng kaibigang halos isang dekada nang hindi nagpapakita sa kanila. Halos mapanganga sila nang masilayan si Cian sa wakas. Napakalaki na ng ipinagbago ng kaibigan mula sa ilang taong pagla

