Maya't-maya ay dinala si Sav ng kaniyang tiyahin sa kwarto ng mga katulong.Marahang binuksan ng tiyahin niya ang pinto.
Agad na inikot ni Sav ang kaniyang mga mata sa buong pasilyo. Kaniyang inilapag ang kaniyang mga gamit at sabay na umupo.
“ Ito ang magiging tulugan natin at doon ka sa bakanteng kama na iyan,”sambit ng tiyahin niya sa kaniya. Agad niyang iniligpit ang mga gamit niya.
“Pwede kang makapamasyal sa anumang sulok ngunit maliban sa kwarto ni Young Master,” bilin nito sa kaniya at tumango lamang siya. Hindi niya nanaisin na makatagpo ulit ito.
Sa kabilang banda ang anak ng kanilang amo na si Cabel ay nanatiling nasa loob ng kwarto niya habang naglalaro ito ng call of duty. Parehong nakapaslak sa tenga niya ang kaniyang headphone habang nasa harapan ng sariling computer niya.
Sunod-sunod ang pagmura nito. “ Fvck1ng sh1t! Aaaargh!” pagmumura nito sa inis nang matalo siyang muli ng mga kalaban niya sa kanyang nilalaro. Minsan ay napapahampas siya sa lamesa. “ I'll k1ll you asshole!”pagmumura nito ulit.
“ Young Master, nandito na po ang lunch niyo.” mahinahong tawag sa kaniya ng isa sa mga kasambahay habang may dala itong isang tray ng pagkain. May laman itong scrambled egg,bacon, at brown rice, kasama na don ang gatas. Mahigpit kasing ibinilin ng amo nila na sa tuwing maghahatid sila ng pagkain sa anak nito ay samahan narin ng gatas dahil mahilig itong uminom ng gatas at minsan ay pinapaligo niya ang gatas upang manatiling pino at makinis ang kutis niya.
Saglit na huminto ito. “ Wag kang disturbo, Manang. Ilapag mo lang diyan, may ginagawa ako,“malamig na sagot nito kaya't napapailing na lamang ang kasambahay nilang si Agnes.
“ Kailan kaya maging matino kausap si Young Master? Magbabago pa kaya ang ugali nito?”bulong ng kasambahay sa isipan niya. Dahil hindi lang isang beses na naging pabalang ito. Marahang inilapag ni Agnes ang isang tray ng pagkain sa tapat ng pinto nito.
At agad na bumaba ng hagdan. Ilang oras ang lumipas bago lumabas ang binata at kinuha ang isang tray ng pagkain na inilapag ng kanilang kasambahay na si Agnes. Ngunit bago niya ito damputin ay inamoy-amoy pa niya ang bawat sulok ng pagkain na nasa tray. Sinisigurado muna nito na walang anumang lason ang inilagay sa pagkain niya bago niya ito kainin. Minsan na rin siyang pagtangkaang lasunin ng isa sa mga kasambahay na hindi nakapagtimpi ng galit nito sa kaniya.
Lalo na't ang mga bagong salta na katulong nila. Kaniya itong pinagtri-tripan at ang pinakaworst niyang ginawa ay 'nung sampung taong gulang pa siya. Hinulog niya ang kaniyang yaya mula sa hagdan habang ito'y nagpapakain sa kaniya. Isang linggo siyang grounded at siya mismo ang kumukuha ng pagkain niya sa kusina, iyon ang parusa sa kaniya ng mga magulang niya sa pagiging pasaway niya. Mabuti nalang at hindi napuruhan ang yaya niyang inihulog niya sa hagdan kaya't simula 'nun ay mas lalong itong nagwild.
“ Manang! Bakit ang lamig nito?” galit nitong tawag sa mga kasambahay kaya't agad na kumaripas ng takbo ang isa sa mga kasambahay at agad na umakyat sa hagdan. Nagtungo ito sa kwarto niya.
“ Y-young Master, kanina pa kasi iyan niluto ni Manang Lourdes.” nauutal na sagot nito habang nanginginig. Ang sama ng tingin ng binata sa kaniya ngunit pilit niyang iniwasan ito.
“ Ibalik niyo iyan sa kusina o di kaya ay itapon niyo! Ang simply lang ng trabaho niyo ay hindi niyo pa magawa ng maayos!”singhal ng binata dito. Nanginginig na dinampot ng kasambahay ang tray ng pagkain at ibinalik ito sa kusina.
Pagdating ng kasambahay sa kusina ay agad siyang sinalubong ng mga kasamahan niya. “ A-anong nangyari?” nag-alalang tanong sa kaniya ni Manang Lourder ang chief-cook ng mansyon. Inilapag muna nito ang dala niyang tray bago sumagot.
“ Galit po ata si Young Master sa akin, Manang Lourdes.” maluha-luhang sagot nito.
Lahat ng kasamahan niya ay seryosong napatingin sa gawi niya. “ Bakit? Ano ba kasi ang ginawa mo?” kamot-ulong tanong ni Manang Lourdes sa kaniya.
Iyong iilan sa kanila ay nagpatuloy sa paghugas ng pinggan at naglinis ng kusina. “ W-wala naman akong ginawa na ikinagalit niya. Hindi niya nagustuhan ang pagkaing hinatid sa kanya ni Agnes dahil malamig daw ito kaya siguro sa akin niya ibinuntong ang galit niya.” napabuntong-hininga ang mga kasamahan niya.
“ Manang! Pakidalhan ulit ako ng bagong lutong pagkain. At pwede bang bilisan niyo, nagugutom na ako!” sigaw ng binata sa kanila mula sa kwarto nito kaya't dali-daling ipinagluto itong muli ng pagkain ni Manang Lourdes.
Para makatipid ng pagkain ay inilagay ni Manang Lourdes ang pagkaing nasa tray sa loob ng oven upang mabalik ang init nito. Muli nilang isinalin ito sa ibang plato at inilagay sa tray. Insakto ang paglabas ni Savage mula sa kwarto ng mga kasambahay. Nakapajama lamang ito at nakasleeveless na tshirt.
Nang mapansin ito ng tiyahin niyang si Asunsion ay agad siyang nilapitan nito at pinuna. “ A-ano bang klaseng suot iyan, Sav? Magbihis ka dun ng uniporme ng mga kasambahay baka makita ka ni maam at sir na ganiyan ang ayos mo, at mapagalitan pa ako.“
Kamot ulong tumango si Sav sa tiyahin niya. Bago paman maihakbang ni Sav ang kanyang mga paa ay bigla siyang tinawag ni Manang Lourdes. “ Ikaw na ang maghatid ng pagkain ni Young Master, Sav.” nabigla ang magtiyahin sa isinambit nito.
“ Bakit ako?”di makapaniwalang tanong nito kay Manang Lourdes. At muling naalala ni Sav ang pangyayari sa labas ng comfort room nang hilahin siya nito at sabay na ipinasandal sa pader. Suno-sunod ang paglunok niya ng sariling laway. Baka kung makita siya nito ulit ay hindi lang iyon ang posibleng gawin sa kaniya nito.
“ Ano ba, Manang nasan ang pagkain ko!” galit na galit na sigaw nito mula sa taas. At sabay na napapailing ang mga kasambahay sa inasta nito.
“ O siya, ihatid muna sa kaniya ang pagkain, Sav. Baka magwild na naman si Young Master at palayasin pa tayong lahat dito.”
“ Mag-iingat ka, Sav,“pabulong na bilin ng tiyahin niya. Walang magawa si Sav kundi ang sundin ang utos ni Manang Lourdes sa kaniya. Marahan siyang naglakad paakyat ng hagdan dala-dala ang tray na may lamang pagkain at gatas. Bawat hakbang niya ay domoble ang panginginig at takot na nararamdaman niya sa mga sandaling ito.
Mahigpit na ipinagbabawal sa kaniya ng kaniyang tiyahin ang pagpunta sa kwarto nito.
Nakasarado ang pinto ng kwarto nito kaya't nilakasan niya ang kanyang loob na katukin ito mula sa loob. * Tok* tok*
“ Just drop the food outside the door!”tanging narinig niyang response dito. Kaya agad niyang inilapag ang tray sa tapat ng kwarto nito at patakbong bumaba ng hagdan.
Sumapit ang alas dos ng hapon ay may bumusinang sasakyan kaya ang isa sa kanila ay agad na lumabas ng mansyon at pinagbuksan ito ng malaking gate.
“ Magandang hapon po, maam sir.“masayang bati nito sa kanyang amo. Kumaway ito sa kaniya at sabay na ngumiti. Ngunit biglang nag-iba ang timpla ng mukha nito nang makita nito mula sa malayo si Savage habang nagti-t****k. Agad na nagtaas ang kilay nito at sabay na lumabas ng kotse.
“ Who's that girl?”seryosong tanong nito sa kaniya. Isinukbit nito ang kaniyang bag at agad na lumapit sa gawi ng dalaga habang ito ay sumasayaw ng t****k.
“ At sinong nagbigay sayo ng permiso na magagawa mo iyan dito mismo sa loob ng pamamahay ko?” taas noo nitong tanong sa dalaga kaya't napahinto ito sa pagsayaw at sabay na lumingon. Agad siyang sinenyasan ng kasambahay na yumuko at bumati.
Yumuko naman si Sav. “ Good afternoon po, maam.” nanginginig na pagbati nito.
“ Answer my damn question!”
“ S-sorry po, maam. Kung naging pasaway po ako. Hindi na po mauulit. Pasensya kana po talaga.”
“ How did you enter here?” ma-awtoridad na tanong nito sa kaniya. Muling humugot ng lakas si Sav bago niya sagutin ito.
“ D-dinala po ako dito ni Tita Asun. Ako po si Savage, nice to meet you po maam,” nauutal na sagot niya ngunit pinagtaasan lamang siya ng kilay nito.
“ Ikaw ba iyong nireto sa akin ni Asun? Magwo-working student sa akin?”
“ A-ako nga po, maam.”
“ Then anong ginagawa mo dito sa labas ng mansyon?”
“ Inaliw ko lang po ang sarili ko, maam. Pasensya na po hindi napo mauulit.”
“ Talagang hindi na mauulit dahil kung uulitin mo pa iyan ay hindi ako magda-dalawang isip na palayasin ka sa mansyong ito. You should know your boundaries inside my teritory,” maanghang na sambit nito.
“ Do your job sa susunod pang linggo ang pasukan kaya't tumulong ka sa mga gawaing bahay. Hindi iyong maging display ka sa mansyong ito.” sambit nito bago pumasok ito sa loob ng mansyon.