Hindi ko alam, kung ano ang pumasok sa kukute ng aking pinsan na si Annoying girl. Bwiset eh sa dami ba naman ng pinsan ko. Siya pa talaga, ang makakalaban ko.
Hindi pwede kailangan kong makaisip ng paraan na makabawi dun sa babaeng iyon. Mukhang mapupurnada pa ang pagbawi sa aking mahal na si Marko.
Tsss.
Isip, isip din...
Pot*k naman, wala as in nga-nga pa ata ako ngayon. Hindi pa nakikisama si Brain ko.
Anu ba yan, kapag inaatake ka ng katangahan, mas lalo ako kinakabahan na hindi ko alam. Sana naman wala itong nararamdaman ko,
Hindi nalalaman ni Julienne na naruon na sa kanilang tahanan ang kanyang mga magulang. Batid pa niya na hindi pa nakakauwi ang mga ito, sa kanilang business trip. Ang alam niya na maeextend pa ang business trip ng kanyang mga magulang.
Kaya sa tuwing nauwi ang dalaga si Jules ay gabi na o kung di naman madaling araw. Madalas siyang tumambay sa bar ng kaibigan, upang abangan dun ang lalaking mahal na mahal niya.
At sa ganun ay alamin nito ang buong skedyul ng kanyang mahal na si Marko Chi at maisagawa ang plano nito na muling maibalik ang matamis na pagtitinginan nilang dalawa.
Kaya lamang sa mga araw na tumatambay siya ay hindi nakita ang binata na si Marko chi dun sa bar ng kaibigan nito. At sa halip may kaibigan siyang nakausap na "hindi mo makikita ang hinahanap mo dito. Bakit hindi muna lamang puntahan dun sa opisina nito." Napa-isip siya sa sinabi ng kanyang kaibigan na si Donnabelle. May point ang bakla, bakit nga? At least eh makikita ko pa at mabubuo ang araw ko.
Ang araw na iyon, ay napagdesisyunan ko na dalawin ang lalaking mahal ko.
Bago ako pumaruon sa aking mahal. Dapat presentable ako. Kailangan ko munang umuwi sa aming mansyon para makapag palit ng damit at magpaganda lalo para maakit ko na ang lalaking mailap pa sa usa. Hmmp.
Habang nagkakasayahan ang iilan sa loob ng tahanan na mga So. Nakikita sa mga mata ng mga tao dun, na may magaganap na world war 1 sa mga sandaling iyon. Batid ng mga kasambahay na ang uwi ng kanilang among babae na anak ng mga So, ay iyong oras na may problema sa peg-ibig ba.
Alam na ng mga tao na may magaganap na hindi maganda sa amo nila, kakaiba sa pakiramdam na ang mga tao ay awkward sa kanilang pagkilos.
Unknown guy
"Tsss. Kung gusto nila mahuli ang anak nila sa bitag. Umacting lang ng wala lamang at hindi ganito. Parang may bibitayin sa mga oras na ito, habang nasa loob ng bahay na mga So. Kung bakit hindi nila kausapin ang anak nilang bipolar at nang maayos nila ang problema. Hindi sa ganito na de numero ang kilos ng mga tao. Pati ako na bisita ba o bwiseta nila, hahaha. Bakit ba ako narito sa pamilyang ito? Itinatanung ko din ito sa aking sarili, ano ang aking gagawin sa loob ng pamamahay ng aking bestfriend na si_____."
[okay pahulaan muna natin ang name sung na bestfriend ko, para thrill mga katropang baklush, tiburcia at ateng, kuyang.]
---------------------------------------
Hindi malaman ng Pamilya So na umaariba na ang kanilang anak na si Jules sa kanyang mga maling ginagawa tungkol sa lalaking nagpagulo ng kanyang sistema, nuon pa man.
Nasa isip ng ina nito "hindi madala-dala itong si Jules sa ginawa nitong pang-iiwan sa kanya. Ano pa ang nais niya balikan ang lalaking walang balls, para ano pa? Ipakita nitong maayos siya."
Tila naiinis ang ilaw ng tahanan sa mga oras na iyon. Habang hinihintay nitong dumating. Pasado alas diyes na ng gabi, wala pa ang kanyang anak na babae sa mga oras na iyon.
Nalaman ng ina nito ang mga pinag-gagawa ng anak na babae sa mga sandaling wala sila sa loob ng tahanan, nasa ibang bansa upang asikasuhin ang mga business na kanilang itinayo ng kanyang pamilya. At ngayon parang hindi matiis ng ilaw na tahanan na mga So ang mga ginagawa ng nag-iisang rosas ng kanilang pamilya na may itinatagong lihim sa kanila. Ang lalaking nagpahirap sa damdamin ng kanilang anak, at ngayon ay parang pusa na lumalandi na naman sa kanyang paningin ang kanyang unica hija.
Hanggang sa narinig nito na may dumating na sasakyan. Agad lumabas ang yaya nitong si Rosita upang labasin ang alaga nitong si Jules.
"Naku, bakit ngayon ka lang dumating?" Nagtataka ang alagang si Jules sa kanyang yaya rosita sa mga oras na iyon.
"yaya ano bang meron, kasi hindi kita maintindihan?" Anang ni Jules sa kanyang kausap.
"hindi mo ba alam, o sadyang kinakalimutan mo ang araw na ito?" Wika ng kaniyang yaya sa mga oras na iyon, habang bitbit nito ang bag ng dalaga, papasok sa loob ng sala.
"alam mo ya! Ano ba ang nais mong sabihin sa totoo lang, hindi ko alam. At ang alam ko pangkaraniwang araw lamang ito." Tila nahihimigan ang pagkayamot sa kausap nito. Hindi alam ng dalaga na may nag-aantay ng isang masigabong (palakpan ba!, tss asa pa, hinding mangyayari iyon malamang party.) Isang masigabong pagtatalak ng kanyang pinaka mamahal na ina si Heleyna.
Bago pa man magsalita ang yaya nito, tila naunahan ang matanda sa pagsasalita ng isang antribido.
"Anong nakain mo, at ang aga ng iyong uwi? Kinabog mo pa kami ni Jazz ah! Kaming mga lalaki na may problem sa puso. Eh ang oras ng uwi naming matino ay masaaga pa dyan. Mga ala una ng madaling araw. Tapos ikaw ang aga-aga pa." Tila panunuya ng kapatid na lalaki sa kanyang kapatid na babae. Nais pang barahin ng dalaga ang patutsada ng kanyang kapatid. Ngunit pinigilan na siya ng kanyang Yaya sa mga sandaling iyon. Tila nababasa nito ang mga mata na para bang tumigil na lamang at wag patulan ang sinabi ng ikatlong anak na mga So.
At napatda ang dalagang si Jules sa loob ng kanilang mansyon. Nakita siya ng kanyang ama na kakaiba ang ikinikilos nito. Nalaman niyang narito na sa kanilang tahanan ang kanyang ina. Kaya pala ganun ang ikinikilos ng mga tao sa loob ng tahanan na mga oras na iyon.
Bawat galaw ng mga tao sa loob ng tahanan na mga So, tila hindi makakapag-concentrate ang iilan sa mga ginagawa nito. Kakaiba sa mga ilaw ng tahanan ang ina nila Jules, Jazz at Janus sa mga oras na iyon.
Alam ng iilang kasambahay na kakaiba ang kanilang among babae sa kanyang nag-iisang anak na babae. Iba ang ugali nito pagdating sa pagdidisiplina sa mga kapatid nito.
"Sumunod ka sa akin, mag-uusap tayo na dalawa lamang. Wala ng iba pa." Ito ang maotoridad na sinabi sa kanyang dalagang anak na babae si Jules.
Walang imik na sumunod ang dalaga sa ina nito patungong silid aklatan ng kanilang pamilya. Alam ng dalaga ang mangyayari sa kanya na mga oras na iyon.
Ang mga naiwan sa sala ng mga oras na iyon, parang nasa isang arena lamang.
Bakit?
Ang mga anak na mga So ay may kakaibang ugali kumpara sa mga normal na tao.
Nakikita ni unknown guy na para bang masaya pa ang dalawang binata sa mga oras na iyon. Tila hindi kababakasan ang matakot sa halip ay parang nagpupustahan ang dalawa sa mga oras na iyon.
Tama po kayo ng binabasa. Nakita ni unknown guy ang dalawang kaibigan nito na tila nagpupustahan sa mangyayari sa loob ng library. Kung saan naroon ang kanyang ina at kapatid na babae sa mga oras na iyon.
Batid din na mga katulong na ganito ang dalawang kapatid ni Jules na para bang hindi apektado sa mangyayari. Kumpara sa isa pa nilang kapatid na nasa ikalawang palapag ng tahanan, bihira lamang masikatan ng araw. At kung minsan may sariling mundo ang isa pang anak na mga So.
Tila kakaiba sa kanyang paningin ang mga tao sa loob ng tahanan. Hindi malaman ni Unknown guy kung maiinis siya sa mga nakikita niya o dededmahin ang mga ikinikilos ng mga tao sa loob.
Sa isip ng binata pamilyang wierdo ang kanyang nakikita at nakakasalamuha.
Ang alam lamang niya ay mapalapit sa isang tao at makasama niya pagdating ng tamang panahon.
Kung sino man iyon, maganda abangan ang kwento ng magulong storya ng pamilya so, sa kwento ni Marko chi.
[♡♡♡Manang:kamusta mga kaibigan, ngayon lang po nakapag-update sa mga oras na ito. Dapat nung sunday pa dapat ito na publish. Kaya lamang ayaw po makisama ni Wifi dahil mahina ang nasasagap na signal. Lalo kung madami ang gumagamit. Kaya eto pa lang. Sana makisama ngayon si wifi sa akin ngayon. Muli salamat sa magbabasa po netong kwento ni Marko. At ingat po tayo guys ke coved na patuloy sumisira sa buhay at pangkabuhayan ng tao.]