Aiden Carson

2249 Words
Isang magandang araw para sa akin na makita ko ang taong malapit. Hindi ko alintana na ang isang tulad ko na isang Adan sa puso't isip na magkakagusto sa kapwa ko. Hindi sukat akalain na mangyayari sa akin ang ganitong nararamdaman na abnormality. Sa totoo lamang hindi ko na isip na mangyayari sa akin ang ganitong pakiramdam, na magmahal sa isang kapwa ko pa. Ang alam ko isang kalokohan lamang ang ganitong pag-ibig. Iyon pala ay sa akin pinatama ni Kupido ang kanyang mahiwagang pana niya, tanging alam ko lamang ay sa mga tv ko lamang napapanood ang mga ganitong eksena. Iyon pala ay may katotohanan na mangyari sa totoong buhay. At isa ako sa nagpapatunay na maari ding tamaan ng pag-ibig ni Kupido ng kanyang pana sa kapwa lalaki niya. Bagamat mali sa paningin ng maraming tao at sa mga nakaka kilala sa kanya. Walang mapag pilian ang pana ni kupido ang panain ang bawat pusong uhaw sa pag-ibig na kanilang sinisintang mahal. Sa aking pananaw ay walang sinuman ang dapat na manghusga sa estado ng pag-ibig ng bawat isa at sa halip ay igalang nila ang pagpapasiya ng kapwa. Magaan sa pakiramdam na nakikita mo ang taong na iyong iniibig simula pa lamang na makita mo pa lamang sa isang pagkakataon. Nung una pa lang magkita sa hindi inaasahang pangyayari, masasabi mong may nangyari na sa pagitan ng taong mahal mo. Kayo lamang ang makakaunawa sa isat-isa para bang nagkita na kayo nang kayo ay bata pa lang, ngunit hindi mo alam. Kung nagkita na ba o hindi pa. Hindi ko maiwasan na maging masaya kapag nakikita ko siya, hindi matapos tapos ang araw na parang may kulang sa iyong buhay. At ang kulang na iyon sa buhay mo. Ang taong crush mo at mahal na mahal. Sa aking sitwasyon ay hindi pa alam ng aking mga magulang ang nararamdaman ko. Alam kong magiging malaking hadlang sa oras na malaman nila ang estado ng aking buhay. At iyon ang aking pinangangambahan na magkaroon ng hindi pagkaka-unawaan sa pagitan ng mahal ko at sa pamilya ko. Kapag nalaman nila ang buong katotohanan. Hindi ko lang alam na makakaya nila akong tanggapin bilang isang tao na nagmahal sa kapwa ko lalaki. Hindi ko ginusto ito, Pero wala akong magawa, dahil para bang kulang ng saya ang buhay ko, kapag hindi nakikita ang taong nagpapasaya ng buong sistema ng aking pagkatao sa katauhan ng aking mahal na si Marko Chi. Siya ang taong mahal na mahal ko, at handa akong isugal ang lahat para sa aking mahal. Kahit sino pa man ang humadlang. Tanging ang puso ko lamang ay nakalaan sa isang taong mahal na mahal ko. ---------------------------------------- Flashback : Agatha Morgan Nakita ko ang crush ng aking bff, simula pa lang ng kami ay high school ni Marko aka Marie kapag kami dalawa lamang. Noong una pa lang alam ko may malansa na akong naamoy sa kaibigan ko si Marko. Biruin mo nasa loob kami ng classroom ng may na pansin kami na may bagong transferee ng aming section at isang lalaking mataba. Yes, mga darling. Isang malusog na binatilyong lalaki at may taas na kagaya namin ng aking bff. Medyo maayos naman ito, mahiyain ng kaunti base sa kanyang pagpapakilala niya sa harapan namin. "Hi, My name is Aiden Carson 17 of age and am transferee of this class. Hope it be friends forever each of you, and thank you for welcoming me here at this section." At naupo malapit sa aking katabi si Bff ko si Marko. Alam ko nung tym na nagpakilala si Aiden sa klase. Mukhang may mabubuo na love team sa aming klase. Kung sino iyon, madali lamang. Dahil ang aking bff na si Marie ay umaatake ang sakit nitong kiti-kiti. Iyong hindi mapakali sa isang tabi, at nais niyang magpakilala sa aking katabi si Aiden. Alam kong type na type na ni bakla ang aming bagong kaklase sa araw na iyon. At ang araw na iyon din na maimbyerna ang dyowa nitong si Tabie aka Adik. Dahil sa dakilang stalker ni bff ng panahon na iyon ang babaing may telepono sa utak (tililing). Kayat napag-pasyahan nitong sunduin ang aking bff sa classroom namin, na hindi pa natatapos ang klase. Agad-agad na sumugod si Tabie upang magpasama na pumunta ng library para manghiram ng aklat sa aming butihing na librarian custodian at sa katauhan ng kanyang Tita. Yes, kamag-anak ng pinsan ko ang namamahala sa library namin. Tanging napapa nganga kami dahil mabilis pa sa alas kwatro na nahila ang aking bff patungo sa library namin. Habang kami naman ay naka tanga ng mga oras na iyon. At habang nag-aantay ng aming teacher na lumabas lamang para kunin ang kanyang aklat sa faculty room. Hanggang sa nagbalik ang aking bff na tila pawis na pawis ang itsura nito. Isa sa mga nagtanung na mga oras na iyon ang aming bagong kaklase na "anong nangyari sayo?" Hinihingal man ang aking bff sa mga oras na kaharap nito ang bagong kaklase namin. Pansin ko na nag-aalala lamang ang aming kaklase sa mga oras na iyon. Tila kakaiba sa pakiramdam na may kung ano sa itsura nito at hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Dahil naka pokus lamang ako sa aking katabi na tila may kakaibang pahiwatig akong nararamdaman sa bagong kaibigan at kaklase. "Bwisit talagang babaing iyon, makahila wagas na wagas. Ang akala mo naman eh sasali sa marathon. Kung alam ko may telepono sa utak iyon, hindi ko na sana itinuloy ang paniningalang pugad ko, at sa halip eh hinayaan ko na lamang ang maging single atleast hindi ako naka tanga sa tuwing may umaaligid sa akin na sirang telepono sa may utak. Nakaka imbyerna ang nilalang na iyon. Tsss, kailangan madala na talaga iyon sa hospital para maikulong at hindi makawala. Put*k hindi ako na inform man lang na may gagawin ang babaing may sirang iyon, sa akin. Diyos miyo marimar, Aw." "Eh, ano na naman ba ang ginawa sayo ng babaitang pinsan ko, Marko?" wika ko ng mga sandaling abala ang lahat sa tsismis ng aming bagong kaklase at habang wala pa ang aming guro na si Mr. Tsismoso ang name song po ng aming guro ay si Jess Mosongga. Sa madaling salita pina ikli po ang pangalan nito sa dahilang palagi naming nakikita na may mga kausap. "Alam mo bang dalhin ako sa library sa pinaka dulo nito. At ang ginawa niya na titigan ako, hanggang sa ahhh ewan ayokong isipin na ginawa niya sa akin, nakakadiri put*k. Ke babaitang iyon ang halay ng peslak niya na ganituhin ako." Hindi ko malaman kung maasar ako sa bff o gusto kong magalit sa kanya, dahil bitin siyang magpaliwanag sa aming mga kaibigan niya. Alam kong may itinatago ang bakla sa akin. Pero hahayaan ko muna siya sa araw na ito. Baka eh galit pa ang bakla, mahirap na kung ipagpilitan ko na alamin ang ginawa ng aking pinsang adik. Habang nag-uusap lamang kami ni Bff sa mga oras na iyon, pansin ko lamang sa bagong kaklase namin na gwapo din pala ang binata at kahit itoy malusog sa pangangatawan nito. "Hindi na lugi si bff na maging kapareha nito. Dahil mabait at gwapo si Aiden at mukhang may tak-u ang isang 'to malamang may mabubuo na pag-iibigan ang dalawa, sanay walang kumontra sa araw na masaya ang aking bff." Hanggang sa dumating na ang aming guro sa aming room na para bang wala ng oras para mag-discuss ng kanyang lesson. Dahil sa malaking oras na ginugol niya sa paglabas nito. At nag ring ang bell hudyat ay tapos na ang araw namin sa klase ng aming guro na si Sir Tsismoso. Aiden Carson Sa wakas may mga kaibigan na din ako sa loob ng aming paaralan at sa klase namin, alam kong hindi ako mahihirapan na makilala ang bagong mga kaibigan sa paaralan na aking pinapasukan. Dahil ang totoo po niyan ay bago pa lang ako dito sa bansang Pilipinas. Lumipat ang aming pamilya sa bansang ito. Upang sundan namin ang Mama namin naninirahan dito na, kaya kami ng aking mga kapatid ay dito na mag-aaral sa eskwelahan ng Royal Campus University. Isang kilala ang eskwelahan na may mataas na kalidad ng edukasyon. At ngayon nga ay narito ako, na nag-aaral sa paaralan na napili ng aking ina. Una ay masasabi kong nakaka kaba. Dahil wala akong alam sa mga pinoy at isa pa hindi ko alam ang mga ugali nila. Hanggang sa ang aking ina ang nagsabi sa akin na "huwag kang mag-alala sa mga bago mong papasukan na eskwelahan. Dahil alam ko na mababait at pala kaibigan ang mga pinoy, may iilan ka makikita na may bully, o mga taong walang may paki. Pero ang masasabi ko sayo ay mababait ang mga tao dito sa Pilipinas at approachable ang mga tao dito. Magugustuhan mo din dito." Ito ang assurance na ibinigay sa akin ng aking pinakaka mahal na ina. At sa araw na nagpakilala ako sa loob ng klase nakita ko naman na maayos ang mga taong nasa loob ng room. Kahit kasama ko ang isang guro na nakilala ko sa hallway kung saan naglalakad na para bang masaya lang at mukhang wierd ang magiging teacher ko. Iyon ang araw ko na kakaiba sa pakiramdam na may mga bagong kaibigan at masasabing ko nga totoo ang sinabi ni Mama sa akin. Kahit iyong mga naging katabi ko sa upuan ang dalawang mag-dyowa na para bang, hindi alintana na may mga matang naka tunghay sa kanila ng mga oras na iyon. As in walang paki alam sa mga taong naruon sa loob kong magharutan. Dinaig pa ang iilang mga kaklase ko na may kanya-kanyang mga kausap at para bang nasa parke lamang ang iba. At hanggang sa nakita ko na papasok ang bagong kaibigan na tila hingal na hingal dahil sa pagtakbo nito. Tinanong ko ito, Kung anong nangyari? Alam kong bumubwelo lamang ang binatang kasing edad ko lamang at para bang nahipnotismo ako sa kanyang mga mata at labi nito. May kakaiba sa pakiramdam ko na mga oras na iyon. Batid kong weird sa pakiramdam ang nangyayari sa akin ngayon. At alam ko din na abnormal ang ganitong narararamdaman ko sa kapwa lalaki. At feeling ko na iyon, ay kababakasan kong pagkainis sa kausap nitong babae na katabi ko, feeling ko matagal na may relasyon ang dalawa batay na sa kanilang pag-uusap. At ako tila naapektuhan sa kanilang pag-uusap na may kung anong nangyari sa binatang si Marko sa pagtawag ng kausap nito. Alam kong medyo masakit na hindi man lang mapansin ng taong kausap. Alam ko na medyo na advance feeling close sa isang tao na kakakilala lamang ng isang araw na hindi pa man lang nagtatagal ng mahigit isang oras sa kausap. Feeling ko na parang may karayom na nakabaon sa aking dibdib tila masakit at hindi magawang tapunan at sagutin man lang ang tanong ng isang kaibigan man lang. As in parang hangin na dumaan lamang sa harapan niya. Hanggang sa ang babaing kausap at katabi lamang niya ang pinapansin nito, at ako wala lang nakikinig sa mga tanong ng kanyang kaibigan. At base sa usapan na dalawa ay imbyerna ang crush ko si Marko sa tinawag na Adik iyong babaing nanghila sa kanya. Tsss. Ang dami nangyari sa isang araw at may kakaiba sa akin ngayon. Kung dati wala akong paki alam sa mga klase ko sa school. Tinagurian akong suplado sa aming school at binansagan na wierdo. Basta hindi ako ang tipong pala kaibigan sa mga kapwa lalaki ko o maging babae, hindi ko ugaling magpapansin sa mga dating kaklase ko noon nung nasa korea pa ako. Ngayon eh parang kakaiba talaga. Sana pagdating ng tamang panahon na manatili akong nag-aaral dito ay mawala ang kakaibang nararamdaman ko sa isang tulad ko. Dapat ay mabaling ang aking isip sa ibang aktibidad sa school at iba pang magpapawala sa aking nararamdaman ang magkaroon ng isang tao na magpabago sa nararamdaman kong abnormality na pagkagusto sa kapwa lalaki. Sana matauhan ako sa pagkatulog na ito, at maibalik ang dating ako na walang paki sa iba ang nasa utak lamang ay mag-aral ng mag-aral para sa ikakaunlad at ikakayayaman ko, itaga niyo sa mga Tak-u niyo. Ako nga pala si Aiden Carson na lumaki at nagka-isip sa bansang korea at nag-aaral sa bansa ng mga pinoy, na nag-iiwan ng isang mensahe para sa lahat na kung may nais kang patunayan sa buhay mo. Harapin mo ng buong -buo tiyak ang iyong buhay ay may naghihintay na magandang kapalaran. Isang magandang araw para sa lahat. ---------------------------------------- Hanggang sa naalala ng dalagang si Agatha ang panahon na pamilyar sa kanya ang binatang si Aiden Carson na dati pala nilang kaklase sa eskwelahan ng RCU. At mismong ang pagkakataon na iyon ang naging daan na muling magkitang muli ang dalawang pinaglayo ni Tadhana. Alam ni Agatha na magkakaroon ng part 2 sa pag-iibigan ng dalawa sa katauhan ng kanyang kaibigan si Marko at sa business partner nito si Aiden. Batid ni Agatha na magiging masaya ang bff nito, kung ipapa alala nito ang lalaking nakaraan sa kanyang buhay. [Sundan po nating muli ang kwento ni Marko chi.]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD