CHAPTER 21

1365 Words
Ilang linggo na ang nakaraan mula ng magkagulo kami ni Anne. Nawalan na ako ng balita sa kaniya. Hindi parin nawawala ang tampo ko sa daddy ko at maging si jace ay iniwasan ko na. Hindi na kami nagkausap pa at wala na akong planong makipag-usap pa sa kaniya. Maging sa mga social media accounts ay nag-deactivate na muna ako. Syempre hindi parin nawawala ang sakit na nararamdaman ko dahil sa nangyari sa amin. Ang sakit sa akin na itinapon niya ang friendship namin ng ganun lang dahil kay Anne. Oo nga at girlfriend si Anne at future wife narin siguro, pero kaibigan naman niya ako ng ilang taon. Pero mas mabuti na siguro sa amin ang putulin na pati ang pagkakaibigan namin para maka-move on na ako. Ilang beses narin akong nasasaktan dahil sa kaniya at nakakasawa na. Tumawag ako kay Tita Anita para humingi ng sorry dahil sa gulong nangyari sa party nila. As usual ay napakabait parin niya sa akin. Ang totoo nga ay si Anne pa ang sinisisi nito sa nangyari. Mabuti pa ito at naniniwala sa akin, samantalang ang daddy ko ay ako lang ang sinisisi.               Si Theo naman ay abala sa projects niya. Pakiramdam ko ay isa siya sa mga hulog ng langit sa buhay ko. Nakakalimutan ko ang lungkot sa tuwing kausap ko siya. Dahil din sa kaniya ay may mga clients ako na bago. Tulad ngayon, may client ako na katagpo para sa ipinapa-design niyang bahay.               Ilang beses ko munang inayos ang suot na damit at buhok. Pumasok ako sa isang café at natanawan ko agad ang magkasintahan na clients ko ngayon.               “Hello! Architect Sta. Maria,” bati sa akin ng babae na ka-chat ko ng nagdaang gabi. Halatang excited siya sa ipapagawa nilang bahay.               “Hello! Nice meeting you,” sagot niya sabay kamay sa dalawa. Naupo sila sa mesa. Napansin ko agad ang suot ng babae na engagement ring. Na-stalk ko na siya sa social media account niya at alam kong kaka-propose palang ng lalaki sa kaniya. “Congratulations nga pala sa engagement nyo.”               Napalakas ang tawa ng babae sabay takip ng bibig. “Thank you! Hindi ko talaga ini-expect na magpo-propose na siya.” Halatang kilig na kilig siya habang inaalala ang naging proposal ng nobyo niya. Tipid naman na nakangiti ang lalaki habang ikinukwento ng babae ang details ng naganap na proposal. Syempre pa, kahit na gusto ko ng pag-usapan ang detalye ng bahay na ipapagawa nila, wala akong choice kundi ang makinig sa kwento niya.               “Wow! How romantic!” komento ko pagkatapos niyang magkwento. “So? Pag-usapan na natin ang magiging bahay niyo.”               “Oo nga pala! Pasensya ka na architect, hindi parin kasi ako makapaniwalang ikakasal na ako. Hindi niya kasi ako pinapansin noong highschool palang kami, look at him now siya na ang habol ng habol sa akin,” kwento pa ng babae.               “Really? Paano nangyari ‘yon?” curious na tanong ko. Nakalimutan ko ng naroon ako para sa magdesign ng bahay nila.               “Kasi noon—” simula ng babae.               “Love tama na ‘yan. Baka naabala na natin si Architect,” saway ng lalaki dito.               “Oo nga pala. Sorry Miss Trisha,” hinging paumanhin ng babae.               “Okay lang ‘yon. Mahalaga din na alam ko ang story at personality nyo para mas madesign ko ng maayos ang magiging bahay nyo. Sa susunod ikwento mo sakin ang love story niyo ha.”               Ang totoo ay curious ako sa story nila. Pasimple kong tiningnan ang lalaking kliyente ko. Gwapo siya at mukhang tahimik lang. Parang si Jace. Ang babae naman ay mukhang masayahin. Posible nga kaya iyon? Ang tao na dati ay hindi ka pinapansin tapos bigla ka nalang mamahalin? Mahal nga kaya siya ng lalaking ito? Ipinilig ko ang ulo sa naiisip. Ano bang pakialam ko sa damdamin nila? Hindi naman siguro magpo-propose ang lalaking ito kung hindi niya mahal ang girlfriend niya.               Nagsimula na kaming pag-usapan ang detalye ng design ng bahay na gusto nila. Likas na masayahin ang babae samantalang seryoso ang lalaki. Opposite attract nga ba? Alam ko sa science totoo ‘yon. Pero sa tunay na buhay? Opposite din naman kami ni Jace. Seryoso siya at ako naman ay hindi. Pero si Theo pareho kaming masayahin..               Theo? Bakit nasama si Theo dito? “Siguro next week mabibigay ko na ‘yong design. Then, pag-usapan natin kung may gusto kayong ipabago.” “Excited na ako!” bulalas ng babae sa fiancé nya. Ngumiti lang ang lalaki na halatang nasisiyahan sa nakikitang excitement ng babae. Buti pa sila! Bulong ko sa isip. Nakangiti kong pinagmamasdan ang dalawa ng mahagip ko ng tingin ang isang lalaki sa kabilang table. Nawala ang ngiti ko ng makilalang si Jace iyon na nakamasid sa amin. Sa akin. Bigla ang pagkirot ng dibdib ko pagkakita sa kaniya. Kailan pa kaya siya doon? Nakadama ako ng pagkailang. Bakit kailangan na magkita pa kami? “Ah, sige. M-May lakad pa kasi ako. Mauna na ako sa inyo ha? Congratulations ulit.” Paalam ko sa dalawa. “Send mo nalang muna sa email ko ang design. Salamat architect ha!” paalam ng babae sa akin. Tumango lang naman sa akin ang lalaki. Mabilis kong kinalap ang mga gamit ko sa table at saka nagmamadali na akong lumabas ng café. Kaylakas ng t***k ng dibdib ko. Hindi ko na tiningnan ulit si Jace. Hindi ko alam kung dahil ba sa hiya o masama ang loob ko sa kaniya. Basta ang alam ko hindi ko na siya gustong makita pa. Pagdating sa parking lot ay maingat kong inilapag ang mga gamit ko sa backseat ng sasakyan na dala ko. Akmang bubuksan ko na ang driver’s seat ng marinig ko ang boses ni Jace. “Trish!” Natigil ako sa kinatatayuan ko. So, sinundan pala niya ako? Inayos ko ang sarili bago ko siya nilingon. “Oh, Jace! Andiyan ka pala,” kunwa ay walang anumang bati ko. “P-Pasensya ka na, may lakad pa kasi ako.” “Trish, I’m sorry,” pigil niya sa akin. Sorry? Bakit? Dahil ba naniniwala na siya sa akin? Sa tingin ko hindi makukuha ng isang sorry lang ang sakit na naramdaman ko. “Bakit? Naniniwala ka ba sakin that’s why you’re sorry? Tinatanggap mo bang mali ka? O mali si Anne?” hindi ko na napigilan ang bibig ko. Hindi nakaimik si Jace. Tinitigan niya lang ako sa mga mata. Halata ang lungkot niya at gusto kong mainis. Bakit kailangan pa niyang ipakita sa akin na nasasaktan siya? Nasasaktan nga din ba siya simula ng putolin ko na ang ugnayan namin? “O gusto mo lang maalis ‘yang guilt mo,” dagdag ko. “Trish, please. I regret everything. Hindi ko din alam kung anong nangyayari sakin. I can’t stop thinking about you. Hindi ko pala kaya kung mawawala ka.” Napakunot-noo ako. “Why? Anong ibig mong sabihin?” “I don’t know,” sagot niya. Tinitigan ko siya sa mga mata at nabasa ko doon ang sakit. “Nakakalito ka Jace,” sagot ko habang pinipigil ang luha. “Bakit minsan pakiramdam ko, mahal mo ako. Pero isang araw ipapamukha mo nalang sa akin na hindi. Na ilusyon ko lang ang lahat.” Hinawakan ni Jace ang kamay ko. “I’m sorry. Hindi ko alam ang sasabihin ko—” “Nakakasawa na Jace. Alam mo naman siguro na mahal kita. At may Anne ka na. We can’t stay friends dahil nasasaktan ako,” amin ko. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob na sabihin kay Jace ang matagal ko ng lihim. Akmang magsasalita si Jace pero tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya kung sino ang tumatawag. Nabasa kong nagdalawang-isip siya kung sasagutin ba niya iyon. Sa huli ay sinagot parin niya ang tawag. Nanlumo ako dahil doon. Nakakuha ako ng pagkakataon at mabilis akong sumakay sa sasakyan ko. Malamang si Anne parin ang tumatawag. Wala na akong pakialam kahit na sino pa ‘yon! Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan habang umiiyak. Akala ko ay hindi ko na iiyakan si Jace ulit, pero nagkamali ako. Sana ay hindi ko nalang siya nakita ulit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD