Chapter 28

1109 Words
Tila natulala ako sa nakikitang reaksyon ni Theo. Ngayon ko lang siya nakitang ganito simula ng makilala ko siya. Dahil hindi ako nakaimik kaya muli siyang nagsalita.               “I’ve been calling you for three f*cking days.”               “Ah..kasi..,” hindi ako makasagot. Paano ko ba sasabihin sa kaniya ang dahilan kung bakit hindi ko siya magawang kausapin muli. At saka bakit siya magagalit? Hindi ko nga iniisip na pupuntahan pa niya ako dito. Tiningnan ko siya ulit at wala na ang galit sa kaniyang mga mata.               “Bakit hindi mo na ako kinausap? Iniiwasan mo ba ako?” tanong niya.               “Kasi..b-baka busy ka. G-Galit ka ba?”               “What do you think? Trish, kahit noong mga nakaraang araw ay busy ako. But I’ll always make time for you,” tila naghihinanakit na sagot niya. Napatungo naman ako dahil alam kong totoo ang sinasabi niya. Kung pwede ko lang sana sabihin sa kaniya ngayon ang lahat ng nararamdaman ko. Kaya lang ay nakakahiya. Baka tuloyan nang masira pati pagkakaibigan namin. Tulad ng nangyari sa amin ni Jace noon.               “Dahil ba sa nangyari noong party? I’m sorry Trish, hindi ko alam na darating si Anne. Kinausap ko na siya.”               Nag-angat ako ng tingin. Sa totoo lang ay hindi lang si Anne ang bumabagabag sa akin.               “No, Theo. Hindi lang si Anne ang dahilan,” lakas loob na sagot ko.               “Eh ano? Sabihin mo sakin. Hindi ‘yong bigla ka na lang hindi magpaparamdam. Sobrang hirap bang sagutin ang tawag at messages ko?”               “Kung pwede nga lang sana hindi na ako magparamdam sayo, Theo!” bulalas ko. Nararamdaman ko na naman ang sakit. Naalala ko si Jen at mas lalong masakit isipin na ang lalaking ito sa harapan ko ay mawawala na sa akin. Kung bakit kasi kailangan pa niya akong puntahan dito na para bang ayaw niya akong mawala? Pero hindi ko na kayang maging kaibigan pa siya. Alam na alam ko nang lalo lang akong masasaktan. Pinagdaanan ko na ito kay Jace.               “Hindi kita maintindihan Trsih! Anong problema? May nagawa ba akong mali?”               Gusto kong maiyak. Wala siyang nagawang mali. Sa totoo lang, sa sobrang bait niya sa akin kaya nahulog na ako sa kaniya.               “Wala. M-Masyado na lang tayong malapit sa isa’t-isa,” amin ko.               “So? Anong problema?” nahihirapang tanong niya.               “Malaking problema dahil ayokong mangyari sa inyo ni Jen ang nangyari kay Jace at Anne. At ang nangyari sa akin at kay Jace. A-Ayokong ma-inlove sayo, kaya siguro itigil na natin ang pagiging magkaibigan natin,” sambit ko. Tumungo ako. Alam kong kalokohan dahil ang totoo ay nahulog na ako sa kaniya. Huli na ang lahat. Napakasakit isipin na sa pangalawang pagkakataon, wala na namang katugon ang damdamin ko.               Natahimik si Theo. Nakakabingi ang katahimikan at nanatili lang akong nakatungo. Hindi ko siya magawang tingnan. Natatakot akong makita ang reaksyon niya. Hindi ako makapaniwala na nasa ganito na kaming sitwasyon ngayon. Sinabi ko pa naman sa sarili na hinding hindi ko hahayaang malaman niyang nagkakagusto na ako sa kaniya.               “Why Trish? May kulang ba sa akin? Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo. Hindi mo ba ako pwedeng bigyan ng chance?”               Nagulat ako sa narinig. Anong sinasabi niya?               Noon ako nag-angat ng tingin at nabasa ko ang sakit sa mga mata niya. Ako naman ay nalilito. Baka mali lang ang unawa ko sa sinasabi niya? Biglang humakbang si Theo palapit sa akin at tuloyan ng pumasok ng unit ko. Nakatitig lang ako sa gwapo at seryoso niyang mukha.               “Can’t you see that I love you? Ano pa bang dapat kong gawin para ma-realize mo ‘yon?”               Napigil ko ang paghinga sa sinabi niya. Hindi kaya inaasar ako ng lalaking ito? Dahil kung binibiro niya ako ay hindi nakakatuwa at hindi ko siya mapapatawad. Pero nang titigan ko siya ay seryoso siyang nakatingin din sa akin. Napakurap ako at hindi ko alam ang sasabihin.               “Alam kong magkaibigan tayo at baka magalit ka kapag sinabi ko sayo. Alam ko din na inlove ka kay Jace, kaya naghintay ako. Baka-sakaling malilimutan mo siya. Pero wala na sila ni Anne ngayon, at alam kong—”               “Mahal na kita,” hindi ko na napigilang sabihin. Natutop ko pa ang bibig pagkasabi noon. Kung ano-ano na kasing sinasabi niya at pumupunta na kay Jace ang usapan. Baka bawiin pa niya ang sinabi niyang mahal niya ako.               Nabasa ko naman ang pagkagulat sa mga mata niya. Maya-maya ay ngumiti siya pero hindi iyong mapang-asar. Lumapit siya sa akin at ikinulong ng palad ang mukha ko.               “Hindi kaya inaasar mo lang ako?” tanong niya.               “B-Baka ako ang inaasar mo?” tanong ko din. Kapag sinabi niyang biro lang ang lahat, baka magpakamatay na talaga ako sa kahihiyan at sa sobrang sakit.               “Of course not! I won’t do that to you, Trish. I really do love you.” Alam kong namumula na ako sa hiya at bahagya pa siyang ngumiti. Hindi ako sanay na seryoso siya. At sobrang bilis ng t***k ng puso ko na hindi na ako makapagsalita. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon.               “Wala ka man lang bang sasabihin? Hindi ka man lang sasagot?” tanong niya.               “Ha? I..I..,” hindi ko maituloy ang sasabihin. Hindi ako sanay na ganito kami. Tiningnan ko siya at may bahid na ng pang-aasar ang mga mata niya. Napasimangot ako sa kaniya dahil doon at natawa naman siya.               “Huwag na nga! Alam mo na namang mahal—"                Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hilahin at hagkan sa labi. Napakapit ako sa laylayan ng damit niya sa pagkagulat. Naramdaman ko na inabot niya ang magkabilang kamay ko at pinagsalikop iyon sa batok niya. Nakabawi ako sa pagkabigla at unti-unti ay tinugon ko ang mga halik niya. Ginaya ko lang ang ginagawa niya. Bigla ay narinig ko ang pagtunog ng cellphone niya.               “May tumatawag,” bulong ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin, patuloy lang siya sa paghalik sa akin. Ngunit hindi tumitigil sa pagtunog ang cellphone niya. “Theo,” bulong ko ulit ng bitiwan niya ang labi ko. Napipilitang humiwalay siya sa akin. Nakatingin pa rin siya sa akin ng sagutin ang tawag. Ako naman ay hindi makatingin sa kaniya ng diretso.               “Hello?” sagot niya. Napakunot ang noo niya at halatang naiinis. “Why? Asan ka ba? Pupuntahan kita.”               Napakunot na rin ang noo ko sa narinig.               “Sinong tumawag?” tanong ko pagkatapos niyang makipag-usap sa kabilang linya.               Napahilot siya sa sintido saka tumingin sa akin. “Si Anne.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD