Hindi ko mapigilan ang mapanguso habang nakatitig sa cellphone ko. Nakailang tingin na ako kung may message ba sa akin si Theo at hindi ko mapigilan ang inis sa tuwing makikitang wala man lang kahit isa. Talaga bang ganoon siya ka-busy? Parang nalimutan na yata niya ako? Nakailang message na ako sa kaniya at ayaw ko namang isipin niya na ang kulit ko. “Anak, ano bang isinisimangot mo diyan?” tanong sa akin ni mommy. Sa sobrang bagot ko mag-isa sa condo kaya naisipan ko munang umuwi sa bahay namin. At ngayon nga ay magkaharap kami ni mommy sa kusina. “Wala ‘my..kinukumusta ko lang si Theo,” amin ko. Hindi na naman lihim sa kanila ang tungkol sa amin ni Theo at ilang beses na rin nila ito nakaharap. “Oh? Eh bakit nakasimangot ka. Okay lang ba kayo?” nagdududang tanong niya. “Opo mommy.

