Gumagawa ako ng designs nang makarinig ako ng mga katok sa pinto. Hapon na at wala naman si Theo na sinabing pupunta siya dito sa condo. Nitong mga nagdaang araw ay panay ang punta ko sa opisina niya. Balik na ulit kami sa normal simula noong matapos nila ang proposal. Ang mga on-going projects na lang ang pinagkakaabalahan niya samantalang ako naman ay may renovation na tinatrabaho. Tinulongan ako ni Theo na magsimulang kumuha na ng mga renovation projects. May mga tauhan na akong nakausap at ang ilan sa mga iyon ay rekomenda niya. Malaking tulong iyon para sa akin na nagsisimula pa lang. Dahil din doon ay nabawasan ang panliliit ko sa sarili. Sa mga nakalipas na araw ay makailang beses na rin si Theo nagpalipas ng gabi sa condo ko at ganoon din ako sa kaniya. At ilang beses na ring may n

