"Yuri, suot mo ba 'yong ibinigay ko sa 'yo?" bulong ni Kale kay Yuri habang nasa loob na sila ng court. Magsisimula na ang 3rd quarter. "Oo Oliveros. Mamaya na ulit!" at tumakbo na si Yuri palayo para bantayan ang kalaban. Kasalukuyang bola ng Bluecrest at si Kale ay hindi gaanong mahigpit ang pagbabantay dahil nagmamasid at pinapanood lang niya ang galaw ng kalaban. Biglang pumito ang referee. Natawagan ng foul ang isa nilang ka-teammate, si no. 20. May dalawang free throw ang kalaban. "Yuri!" pukaw ulit ni Kale kay Yuri. "Shh Oliveros! Mamaya mo na ako kausapin. Mag-focus ka muna sa game!" gigil na sagot nito pabalik. Pasok ang dalawang free throw. Inbound ni Yuri ang bola at ipinasa na sa kasama nila. Tumakbo na si Kale at gano'n pa rin ang kanyang ginagawa. Tinititigan niyang maig

