Maalinsangan ,yun ang bumungad kay Shaina habang naglalakad palapit sa kotse ng kanyang ama. "Ahh, ang kanyang ama na dahilan ng paguwe niya ngayon sa Pilipinas".
Kung tutuusin ay ayaw sana niya at mas gugustuhing manirahan nalang habang buhay sa California. Ngunit heto siya ngayon, May mga luhang nagbabadya habang papalapit siya ng papalapit sa napaka-pamilyar na sasakyan ng Daddy Alex niya.
"Hi Manong aniya sa driver nilang si Juancho na bahagya pang nagulat dahil nasa tabi na siya nito"!
"Ayy mam Shaina nandiyan na po pala kayo"
Hindi magkamayaw ang matanda sa gagawin na para bang gusto siyang mayakap ngunit nagdalawang isip.
Siya mismo ang umabot sa matanda at niyakap ito na para bang dito siya pansamantalang kukuha ng lakas. Nag-iyakan sila habang hindi alintana ang mga naglalakad na mga tao dahil nasa airport padin sila.
Pagkatapos ng madamdaming tagpo ay takang tiningnan siya ni Mang Juancho dahil may batang napakaamo ng mukha ang nakatunghay sa kanila.
"Iha"?Siya ba ay--
Oho Tatay Juancho". "Pero saka na po ako magpapaliwanag kapag nakauwe na tayo". Sa ngayon ay gusto ko na munang makita ang Papa."
Nagtataka man ay biglang nagliwanag ang mukha nito na parang alam na agad ang mga pangyayari.
Pagkatapos ng limang taon na paninirahan ba naman niya sa ibang bansa ay heto siya uuwe dahil lamang nakaburol na ang ama at may karay karay pa siya.
Sa isip ay siguradong kamumuhian siya ng kanyang ina at baka ito pa mismo ang magpabalik sa kanya sa California kasama ang anak.
Mahal na mahal niya ang anak at hanggat maari ay ayaw niyang madamay ito sa hidwaan nilang mag-ina.
"Tay, tingin niyo po ba tama lang ang desisyon ko na bumalik?" Tanong niya sa matanda. "Iha ,panahon na siguro naman para kalimutan niyo na ni Congress... Este kalimutan niyo na ang nakaraan. "Malalaki na kayo at ayan nga't may anghel ka na hindi ba"?
"Pero wala na po kasi ang Daddy tay, Sa tingin niyo po ba may dahilan pa para magtatagal kami ni Kylie dito sa Pilipinas"? aniya sabay baling sa anak na ngayon ay sumunod sa kanya papasok sa sasakyan.
"Mom, mainit po." sambit ng anak niya na ikinangiti niya. Ahh' ang anak niya na kahit kailan ay cute na cute padin.
"Aba'y sanay naman pala ang batang ito sa salitang tagalog ano!"
"Opo ,sinanay ko po talaga siya sa salita natin ayaw kong hindi niya po matutunan , aba syempre po proud ilokana/tagalog po yata to". aniya na ikinangiti ng matanda habang nag-ddrive ng sasakyan.
Sa luob luob niya ay may mumunting kaba sa muli nilang pagkikita ng Ina at ang huli din nilang pagkikita ng Ama.
Habang nasa byahe ay nakaidlip ang anak niya. Bumalik sa isip niya lahat ng pangyayari limang taon na ang nakakaraan.
"No Shaina! hindi ka aalis ng bansa! panindigan mo ang kalokohan mo"! Hindi ako makakapayag na lalaki ang tiyan mo ng hindi ka pinapakasalan ng Kyle na yun!"
Lumuluha siyang nakatingin sa ama ,nagmamakaawa na pabayaan siya, pero tila naging bato na ang puso nito sa kanya.
"Please Daddy! You have to understand! Kailangan kong umalis kung hindi ay hindi pipirmihan nina Don Elijah at Donya Joana ang mga kontrata para sa negosyo natin".
"Ikakamatay ng Mommy kapag babagsak tayo Dad!" "Hindi ko yun kakayanin"! pagmamakaawa niya sa ama.
Nagngingitngit sa galit ang kanyang Daddy pero wala na siyang pakialam. Ang gusto niya lang ay lumayo na para sa ikakabuti ng lahat. Ou nga at may sinasabi din ang pamilya nila pero walang wala yun kung ikukumpara sa pamilya ng kasintahan niya.
Naging magkasintahan sila ni Kyle nuong high school palang sila. Alam niyang tutol na para sa kanya nuon pa man ang mga magulang ng nobyo pero hindi naman sila hinadlangan ng mga ito.
Hanggang sa nakapagtapos na sila ng kolehiyo at nagkaroon ng mga sariling trabaho.
Siya bilang isang freelance model na kilala sa bansa at minsan ay rumarampa din sa ibang bansa kagaya ng Paris ,Korea, At maging sa Canada. Ang nobyo naman ay tinutukan ang pamamahala sa kumpanya nila at isa na ito sa tinitingalang pinakabatang bilyonaryo sa lugar nila.
Kasal nalang kung tutuusin ang kulang sa kanila dahil may isang bahay kung saan sila tumitira ng nobyo pero alam niyang hindi pa iyon ang panahon.
Isang umaga ng umalis si Kyle ay nagpunta siya sa doctor para kumpirmahin ang hinala at hindi nga siya nagkamali, buntis siya at magdadalawang buwan na. Napakasaya niyang pumunta sa opisina ng nobyo dala ang ultrasound para ipakita iyon , pero nakasalubong niya ang Mama nito.
"Iha , maari ba kitang makausap?" Tanong ng ng ginang sakanya na pinaunlakan naman niya.
Pumunta sila sa pinakamalapit na coffee shop at hindi na nga nagpaligoy ligoy pa ang ginang.
"Alam kong buntis ka, itinawag sa akin ng kaibigan kong doctor"! Gusto kong lumayo ka, Layuan mo na si Kyle dahil kahit kailan ay hindi kita tatanggapin sa pamilya namin! Lalong hinding hindi ko tatanggapin yang batang yan" Masakit na salita ni Donya Joana sa kanya.
Taas noo niyang tinitigan ang Mama ng kasintahan.
"Pasensya na po Maa'm, iginagalang ko po kayo pero hindi ko po kayo susundin" Hindi po kayo ang makikisama sa akin at hindi din naman po kayo ang pakikisamahan ni Kyle".
Naiiyak na wika niya pero nagpapakatatag padin.
Pagak na tumawa ang ginang pagkarinig sa sinabi niya.
"Matapang ka, pero tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo kapag bumagsak na ang negosyo ng mga magulang mo". matalas na sabi nito.
"Kung anuman po ang problema niyo sa akin wag na wag niyo pong idadamay ang pamilya ko"! Sagot niya dito.
"Umalis ka ng bansa , wag na wag kang magpapakita kay Kyle at sinisiguro ko sayo walang mangyayari sa pamilya mo o sa negosyo niyo!" Hindi ikaw ang pinapangarap ko para sa anak ko"! sigaw nito sakanya.
Napaluha si Shaina sa ala-alang iyon at napansin na nakahinto na pala ang sasakyan nila sa simbahan kung saan magmimisa muna bago ilibing ang Daddy Alex niya.