Pipay POV "Papasok na ako baka malate na akong makauwi kaya matulog kana lang dito sa kwarto ko. Gusto ko na madadatnan kita dito ah." bilin sa akin ni Dark habang inaayos nito ang suot niyang damit. Mataman ko naman siyang tinitignan habang inaayos nito ang damit. Nang hindi na ako makatiis ay lumapit ako sa kanya at ako na mismo ang gumawa nun para sa kanya. Binotones ko ang suot niyang polo bago ko ipinasuot sa kanya ang suit nito. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakatitig ito sa akin habang nakangisi. Hindi naman ako umiwas ng tingin sa kanya at nakipagtitigan pa ako. "Oh bakit ganyan yung ngiti mo? Para nang mapupunit yung labi mo eh." tinaasan ko pa ito ng kilay. "Wala para lang talaga tayong mag asawa." yumakap ito sa akin bago hinalikan ang labi ko. Tumungon naman ako doon

