Pipay POV "Kailangan ba talaga to?"pagtatanong ko kay Dark habang nasa loob kami ng salon na pinagdalahan niya sa akin. "Pipay pupunta ka sa isang grandeng party kaya kailangan mong magmukhang tao hindi para maging clown sa isang birthday party."ani nito habang nakaupo sa sofa at nagbabasa ng magazine. "Sino bang nagsabi na isama mo ako? Anong akala mo sa akin halimaw ha? Isa pa anong clown ka dyan. Hoy para sabihin ko sayo never akong naging clown dahil imbis na magpatawa ako baka paiyakin ko pa yung mga bata doon."umirap ako sa salamin na nasa harapan ko habang inaayos ng isang babae ang buhok ko, meron din naglilinis ng kuko ko sa kamay at paa. Feeling ko tuloy isa akong donya dahil sa ginagawa nila. Isang magandang donya na pak na pak sa ganda. "Hindi ka halimaw para kang taon

