WARNING! THIS CHAPTER IS RATED SPG! IF YOU'RE A 17 YEARS OLD AND BELOW, PLEASE DON'T READ THIS!
~~~
I'm a nursing student and 3rd year college na'ko. Nag-aaral ako sa kilalang university. Hindi ako scholar at ako ang nagbabayad ng tuition ko.
Hindi sa pagmamayabang pero kaya ko namang maging scholar. Kaso nga lang ang disadvantage ng pagiging scholar ay kailangan kong ma-maintain ang mataas na grades ko. Iyon ang mahirap dahil kung scholar ako ay kailangan kong mag-aral nang mag-aral para lang magkaroon ng mataas na grades at kapag nangyari 'yon ay mawawalan ako ng time na kumita ng pera para suportahan ang sarili ko at ang mga kapatid ko.
Kaya mas okay nang magbayad ako ng tuition kaysa maging scholar.
"Para po!" sigaw ko sa loob ng jeep para marinig ako ng driver ng jeep. Malapit na kasi kami sa school ko kaya nagpara na'ko para pagkahinto nitong jeep ay saktong nasa tapat na'ko ng school.
Huminto nga ang jeep sa tapat mismo ng school ko. Tinakpan ko ang dibdib ko habang pababa dahil napako na naman ang tingin sa'kin ng mga manyak na nandito sa jeep.
Hindi man sila nakatingin sa dibdib ko dahil tinakpan ko ito pero ramdam ko naman ang tingin nila sa pwet ko.
Hindi ko na lang iyon pinansin. Nasanay na'ko. Pare-parehas lang naman ang mga lalaki.
Nang makababa ako ng jeep ay pumasok kaagad ako sa school.
Gaya nang nakasanayan ay laging nasa sa'kin ang mga mata ng mga nandito.
Bakit? Iyon ay dahil mayroon akong scandal video na kumalat na sa mismong school. Hindi na nga lang sa school mismo kumalat 'yon eh. Pati sa ibang school na rin.
Sa katunayan nga ay may ibang lalaki kanina sa labas ng school na galing ng ibang school at sure akong ako ang inaabangan nila dahil araw-araw na scenario na ito kapag papasok ako.
May ibang mga lalaki na galing sa school ang pumupunta sa school namin para lang yayain akong makipag-s*x sa kanila at ang offer nila ay babayaran nila ako dahil kilala ako bilang isang 'bayaran' na babae.
Pero wala eh. Wala akong magagawa. Ito ang kabuhayan ko at ito ang patuloy na bumubuhay sa'kin. Kahit ilang trabaho pa ang pasukan ko ay hindi 'yon magkakasya sa pang-araw araw na pangangailangan namin idagdag mo pa ang pagbabayad ng utang na iniwan ng mga magulang ko.
Para akong bulag na binalewala ang lahat ng nakapaligid sa'kin at para rin akong bingi na hindi marinig ang mga bulong-bulungan ng mga nasa paligid ko. May ibang nandidiri sa'kin at may ibang babae rin na naaawa sa'kin dahil iniisip nila na walang babae ang deserve na pandirian dahil lang sa scandal videos
Pero wala eh. Siguro nga ay dapat nila akong pandirian dahil sa trabaho ko.
Habang naglalakad papuntang room ay biglang may humila sa'kin papasok sa computer room kung saan walang tao. Tinulak ako sa pader ng humila sa'kin at dinikit din sa pader ang dalawa kong kamay.
"Hey baby," sabi ni Jericho. Kaagad akong nagpumiglas.
"Ano ba! Bitawan mo'ko!" sigaw ko sa kaniya at gumamit ng pwersa para labanan siya pero mas malakas siya sa'kin at pwersahan akong muling tinulak sa pader.
Ka-batch ko si Jericho. Tulad ko ay 3rd year college na rin siya pero isa siyang BSCE or sa madaling salita, magiging civil engineer siya kapag nagtrabaho na siya.
Si Jericho ang pinakakinamumuhian kong lalaki sa buong mundo. Sunod sa kaniya siyempre ang tatay ko.
Mayaman si Jericho kaya alam niya kung paano i-manipulate ang mga taong katulad ko na mas mababa sa kaniya at paglaruan lang ang mga katulad ko.
He's already engaged kay Kia na ka-batch ko rin and same course ko rin which is Bachelor of Science in Nursing (BSN). Pero ang pinagkaiba namin ni Kia is galing siya sa mayamang pamilya katulad ni Jericho.
Hindi maitatanggi na sobrang mahitsura si Jericho at maganda rin ang pangangatawan kaya siguro nagustuhan siya ni Kia kahit na kalat naman na sa buong university namin na babaero si Jericho. Wala eh, color blind ata si Kia kaya hindi niya makita na red flag si Jericho. Patay na patay siya kay Jericho dahil lang sa physical appearance nito.
Hindi sila inarranged marriage ng magulang nila kaya sila engaged na ngayon. Sadyang gusto lang talaga ni Kia si Jericho at tinake advantage naman ni Jericho ang pagkagusto sa kaniya ni Kia kaya nag-propose kaagad siya kay Kia to have more connections na ginagamit niya to do what he wants katulad na lamang nang pagma-manipulate sa'kin.
And siyempre pumayag naman kaagad si Kia na makipagkasal kay Jericho kaya ngayon ay engaged na sila. Balita ko ay after matapos ang pasukan this year ay magpapakasal na sila.
"Bakit mo ba ako sinusungitan? You're making me hard." Hinawakan ni Jericho ang ari niya at hinimas ito gamit ang kanang kamay niya. Dahil hinawakan niya ang ari niya ay binitawan niya ang kaliwa kong kamay dahilan para masampal ko siya dahil hindi na niya hawak ang kamay ko.
Habang gulat pa siya dahil sa sampal ko ay tinulak ko siya dahilan para mapalayo siya ng kaunti.
"Lumayo ka sa'kin gagong manyak!" galit na sigaw ko. Hinimas niya ang pisngi niya na sinampal ko at pagkatapos ay nagulat ako nang bigla muli siyang lumapit sa'kin at hinawakan ang dalawa kong kamay at muli akong tinulak sa pader.
Inamoy niya ang leeg ko kaya ginamit ko ang buong lakas ko para magpumiglas ngunit dahil nga ay mas malakas siya ay hindi ako nakawala kaya tumigil na lang ako sa pagpupumiglas at hinayaan siyang amuyin ang leeg ko.
Ilang sandali lang ay mukhang na-realize niyang hindi na ako nagpupumiglas kaya tumigil siya sa pag-amoy ng leeg ko at tumingin sa mga mata ko.
"What's wrong?" tanong niya. Matalim ko siyang tiningnan.
"Nawawalan ako ng gana kapag hindi ka nagpupumiglas," dugtong niya pa. Dinuraan ko siya sa mukha dahilan para mapapikit siya at muli akong bitawan.
Pinunasan niya ang mukha niya gamit ang uniform niya. Kaagad akong tumakbo papuntang pinto palabas habang nagpupunas siya ng mukha niya pero kaagad niya akong hinila dahilan para hindi ako makatakas.
Muli niya akong tinulak sa pader at ngayon ay sobrang higpit na ng hawak niya sa mga kamay ko.
"Bakit hindi mo'ko pinuntahan kagabi?! May ibang lalaking customer ka na ha?! Sino?! Sabihin mo?! Mas malaki ba ang binibigay niya sa'yo ha?!" galit na sabi niya sa mukha ko.
Hindi man siya sumisigaw pero ramdam mo ang galit niya dahil sa madiin ang pagkasabi niya ng mga salitang sinasabi niya.
Sinabihan niya kasi ako na tuwing kailangan niya ako ay magte-text siya sa'kin at kapag nag-text siya ay kailangan ko siyang puntahan para 'pasayahin' siya.
Babaero si Jericho at hindi lang ako ang babaeng ginagamit niya. Marami kami pero ako talaga ang hanap-hanap niya. Siguro ay dahil na rin sa ganda ko at performance ko kaya ako ang lagi niyang hanap.
Kaya hindi nahuhuli ni Kia si Jericho na may ginagawang kababalaghan iyon ay dahil iba magtago si Jericho. Beterano na siya. May isang motel si Jericho na pagmamay-ari niya. Hindi iyon sikat na motel kaya walang nakakaalam na sa kaniya iyon.
Bale kasama sa plano niya na hindi dapat makilala ang motel kung saan siya gumagawa ng kabastusan dahil iyon ang lugar kung saan niya nagagawa ang lahat ng kabastusan na ginagawa niya.
Malaki naman magbigay ng pera si Jericho. Pero brutal siya at tuwing after may mangyari sa'min ay may naiiwang pasa sa katawan ko dahil tinuturing niya ako na parang baboy dahil nga ako ang pinakapaborito niyang paglaruan.
Hindi worth it ang bayad niya kung mamamatay naman ako dahil sa pinaggagagawa niya sa'kin.
Gusto ko ring ibunyag kay Kia ang lahat ng baho ni Jericho pero sino ba ang maniniwala sa pokpok na katulad ko? Baka isipin niya pa na inaagaw ko sa kaniya si Jericho at ayoko nang dumami pa lalo ang problema ko.
"Kahit na hindi mo sabihin sa'kin ay hahanapin ko siya at papatayin ko siya naiintindihan mo?!" galit na sabi ni Jericho. Nagsimula na'kong umiyak dahil sa takot.
"J-jericho please. Pakawalan mo'ko. Hindi na mauulit ang pagkakamali ko. Pupunta na'ko sa sandaling kailanganin mo'ko. Parang awa mo na patawad," umiiyak na sabi ko. Tila ba'y nagbago ang reaction ni Jericho at akala mo'y naging santo dahil sa pagiging mabait.
Binitawan niya ako at kaagad na lumuhod sa harap ko.
"Sorry, sorry, sorry. Patawarin mo'ko. Hindi ko na uulitin. Huwag ka nang umiyak please. Patawarin mo'ko sa kasalanan ko," paghingi ng tawad ni Jericho.
Hindi ako sure pero parang may multiple personality disorder si Jericho. Ang Multiple personality disorder ay isang sakit sa pag-iisip ng tao kung saan ang isang taong mayroon nito ay maraming personality.
Nag-iiba kasi si Jericho kapag nakikita niya akong umiiyak kaya baka may multiple personality disorder siya.
Tila ba'y sobra siyang nasasaktan kapag umiiyak na'ko sa harap niya. Pero walang talab ang iyak ko kapag may nangyayari sa'min. Ibang iba rin siya tuwing may nangyayari sa'ming dalawa.
Parang siyang uhaw na uhaw na tila ba'y hindi nakainom ng tubig ng isang taon. Gano'n siya kauhaw sa'kin tuwing may nangyayari sa'min.
Tumayo siya habang umiiyak at hinarap ako.
"Huwag kang mag-alala. Sa sandaling tanggapin mo'ko at sa sandaling maging akin ka ng buo, tutulungan kitang burahin ang mga scandal videos mo at ibibigay ko ang lahat ng gusto mo. Basta ipangako mo sa'kin na akin ka lang ha? Akin ka lang," sabi ni Jericho. Ewan ko ba kung si Jericho pa ba ang kausap ko dahil mukhang ibang personality na niya ang kausap ko ngayon.