Dumiretso ako sa bahay ni Janice. Nakasimangot niya akong sinalubong pagkapasok ko ng bahay niya. "Teh 9pm na! Ineexpect tayo na 9 ay nandoon na pero ngayon ka pa lang pumunta rito. Babyahe pa tayo. Akala ko ay hindi ka na pupunta eh. Pupuntahan na sana kita ro'n sa inyo," sabi ni Janice. "Pinatulog ko pa kasi ang mga kapatid ko," sabi ko at dumiretso na ng kwarto nitong bahay niya para magsuot ng pang-sexy na kasuotan. "Oh siya bilisan mo na lang. Kanina pa'ko naka-ready talagang binonggahan ko ang paghahanda para mahulog sa'kin yung customer natin! Bakit kaya niya tayo hinahanap? Siguro ay nahulog na siya sa'kin," pag-iimagine ni Janice. Hindi ko na lang siya pinansin dahil galit pa rin ako sa kaniya dahil sa pagpunta niya sa bahay. Mapanganib ang ginawa niya. Nag-ooverthink na rin ak

